Showbiz News

Mike Tan, insecure sa katawan nina Aljur, Pancho at Polo?


Normal na sa mga artista na magkaroon ng erratic work schedule. Ito ay dahil sa sunod sunod nilang showbiz commitments. Nariyan ang mga taping, press conference, photo shoots, at iba pa. Pero para sa Kapuso actor at StarStruck alumnus na si Mike Tan, busy rin siyang maituturing sa kanyang free time. Ito ay dahil sa pagpupursige niyang magkaroon ng healthier body.

“Madalas kong gawin ay humabol sa katawan ni Aljur [Abrenica], Pancho [Magno], at ni Polo [Ravales]. Kasi ang lalaki ng katawan nila,” natatawang kuwento ni Mike. Para mahabol ang katawan ng tatlo, abala si Mike sa paglangoy at pag-gym. Kuwento ni Mike, iniisip daw ng mga tao na nag-swimming lamang si Mike para magampanan niya ang kanyang role na Jun sa Kambal Sirena.

“Maraming nagtatanong sa akin kung nag-swimming ba ako dahil sa Kambal Sirena. Hindi po, last year pa po ako nag-swimming. Matagal na akong nagsu-swimming,” pahayag ng aktor.

Ibinahagi rin ni Mike kung bakit niya pinili ang swimming bilang form of exercise.

Aniya, “Maganda ‘yung cardio [exercise]. Parang whole body ‘yung wino-workout mo. Back, chest, legs, basta whole body. Tapos running, ‘yun lang ang madalas na ginagawa ko”.

Kapag tapos na umano sa physical activities ang aktor, may isang bagay siyang pinagkakaabalahan.

“Siyempre 'yung typical na ginagawa ng mga bata, computer. Ganoon gamer lang,” natatawang pahayag ng aktor.

Abangan si Mike Tan sa kanyang pagganap bilang Jun sa Kambal Sirena, Monday to Friday pagkatapos ng 24 Oras.

Para sa iba pang updates mula kay Mike Tan at other Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa gmanetwork.com.

-Text by Maine Aquino, GMANetwork.com