Showbiz News

David Licauco, naaliw sa pakulo ng fans na 'David Licauco State University'

By Nherz Almo

“Akin na lang yung [pang-enroll], di, joke lang!”

Ito ang reaksiyon ni David Licauco sa mga naglalabasang meme tungkol sa gawa-gawa ng fans na “David Licauco State University.”

“Nakakatuwa kasi yung trabaho namin, trabaho ko maging entertainer. So, the fact na nakaka-entertain ako, I must be doing something right. Yun, sana happy sila. Happy naman ako. Sana, somehow napapa-happy ko sila,”sabi ng tinaguriang Pambansang Ginoo nang makapanayam siya ng entertainment media sa opening ng Blue Water Day Spa sa Estancia Mall kahapon, August 11.

Nagsimula ang mga fan-made “university” na ito nang humanga ang fans sa pagiging supportive ni Jak Roberto sa pakikipagtambalan ng kanyan girlfriend na si Barbie Forteza kay David.

Mula sa hit historical portal teledrama na Maria Clara at Ibarra, muling magsasama sina Barbie at David bilang magkapareha sa TV adaptation ng classic movie nina Sharon Cuneta at Robin Padilla, ang Maging Sino Ka Man. Bibida rin sila sa romantic movie na That Kind of Love.

KILALANIN ANG MGA MAKAKASAMA NINA BARBIE AT DAVID SA MAGING SINO KA MAN:

Ayon kay David, naniniwala siyang naiintindihan ng kapwa niya aktor na si Jak ang trabaho nila ni Barbie.

Kaya naman para sa gagawin nila ni Barbie na intimate scenes sa Maging Sino Ka Man, hindi na niya kailangang magpaalam pa sa longtime boyfriend ng aktres.

Katuwiran ni David, “Kasi, I feel like maiintindihan naman niya. Knowing him, I think he's smart enough para maintindihan and taga-showbiz din siya, kaya I don't think it's a problem.”

Pagdating naman sa fans na nadadala ng kanilang mga emosyon tungkol sa tambalan nina David at Barbie, na tinatawag na BarDa, pinag-uusapan daw nilang dalawa kung paano iha-handle ang ganitong sitwasyon.

“I think, hindi naman siya problem for us,” sabi ni David. “Ang ayaw lang naman talaga namin is yung hates, di ba? Kasi, tao lang din naman kami.

“But then again, we also have to understand na yung [other] side of the story--kami, nasa entertainment, may mga nae-entertain, kailangan intindihin both side. Ako, para sa akin, okay lang naman mag-support basta positive lang. Iwas na lang siguro sa hates. Pero naiintindihan ko rin yung hates, e, kasi nga invested sila sa love team, di ba?”

Samantala, patuloy na nagpapasalamat si David sa sunud-sunod na blessings na natatanggap niya bilang celebrity.

Sa parte naman niya, nananatili raw siyang committed sa trabaho.

“I think my life has sort of remained the same but a bit different. I mean, it's different but it sort of remains the same kasi I still hang out with the same people.

“Kapag pagod naman ako, nagpapahinga lang. So right now, as much as possible, I try me best to keep yung pagod ko.

“Siyempre, at the end of the day, trabaho yun, e. Trabaho kong mag-entertain ng mga tao. Like right now, pagod ako, but I still have to show up kasi trabaho ko yun, e,” pagtatapos niya.