
Nilinaw ni Yassi Pressman ang issue tungkol sa pagkakaugnay niya sa presidential son at Ilocos Norte representative na si Sandro Marcos.
Naging usap-usapan ang dalawa matapos kumalat ang video nila na tila malapit sila sa isa't isa, na kuha sa isang okasyon.
Habang hawak pa ang kamay ng aktres ay makikitang hinila ito ni Sandro sa harap niya, bago inakbayan si Yassi.
Bukod pa sa video ay may ilang litrato rin ang lumabas kung saan makikitang naka-akbay naman si Yassi kay Sandro.
Sa nasabing video, makikitang may ibinulong ang aktres sa Ilocos Norte representative, tsaka nag-high-five ang dalawa.
Nagkaroon ng pagkakataon ang entertainment reporter na si Lhar Santiago na tanungin ang aktres tungkol dito sa panayam niya kay Yassi at Ruru para sa gagawin nilang teleserye, ang Black Rider.
Sa "Chika Minute" report ng 24 Oras kagabi, August 15, napanood ang natatawang reaksyon ni Yassi.
Paliwanag niya, “'Yung nakikita ko po, 'yung kay Sandro, hindi po iyon totoo at all. Tawang-tawa nga po kami."
Dagdag pa ng aktres, “Nalagyan lang po ng malisya dahil na-slowmo, nalagyan ng music.”
TINGNAN ANG ONE-YEAR FITNESS TRANSFORMATION NI YASSI DITO:
Samantala, kinumpirma naman ng dating boyfriend ni Yassi na si Jon Semira, sa pamamagitan ng isang Instagram post, na hiwalay na nga sila ng aktres.
Dito, ibinahagi niya ang larawan kung saan naka-saad nag mensahe niya sa dating girlfriend.
Aniya, "After an amazing run, Yass and I have decided to part ways. We look to move on to our next phase in life in peace and with the support of our family and friends."
Dito rin nilinaw ni Jon na walang third-party na involved sa kanilang hiwalayan at sinabing dalawa silang nagdesisyon na maghiwalay.
Noong 2022 naman aksidenteng naibunyag ang rumored girlfriend ni Sandro na si Alexa Miro.
Panoorin ang buong interview ni Yassi dito: