Yassi Pressman, balik Kapuso! Leading lady ni Ruru Madrid sa 'Black Rider'

GMA Logo Yassi Pressman and Ruru madrid
Sources: yassipressman/IG and rurumadrid8/IG

Photo Inside Page


Photos

Yassi Pressman and Ruru madrid



Balik Kapuso na ang aktres na si Yassi Pressman at excited na siyang gumanap bilang leading lady ni Ruru Madrid sa upcoming action series na Black Rider.

Sa interview ni Nelson Canlas sa 'Chika Minute' para sa 24 Oras, aminado si Yassi na challenging ang magiging role niya sa sa nalalapit na action series.

“Maraming mga motor, action. 'Yung character din po ni Vanessa kasi, hindi ko pa siya nagawa noon,” sabi nito.

Bukod pa sa bagong role, excited na rin makatrabo ni Yassi ang kanyang leading man.

“As an actor rin po, dahil napanood ko rin 'yung Lolong, siyempre, na-excite din po ako na makita kung ano rin po 'yung magagawa namin together,” dagdag nito.

LOOK: Yassi Pressman's chic photos duriing her 2023 US trip

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkasama ang dalawa dahil bukod sa upcoming fantasy rom-com film nila na 'Video City' ay nagkatrabaho na rin sila sa Kapuso thriller series na 'Dormitoryo' noong 2013.

Ayon kay Ruru, kahit pa more than 10 years na sila nang huling nagkatrabaho ay masasabi niyang may tiwala pa rin sila sa isa't-isa bilang magkatrabaho.

“Na-feel namin 'yun at 'yun 'yung nai-apply namin sa work namin sa 'Video City,'” sabi nito.

Dagdag pa ng aktor, alam din niyang ibang-iba ang magiging atake nila sa Black Rider kumpara sa upcoming film nilang dalawa.

Samantala, game naman na sinagot ni Yassi ang ilang issue na lumabas patungkol sa kanya, kabilang na ang hiwalayan nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

“Sa totoo lang matagal na po kasi talaga kami naghiwalay and I'm very very grateful to John, he's a great person, sobrang mabait po talaga,” sabi nito.

Isa lang ang kahilingan ng aktres sa mga tao; ang respetuhin ang privacy nilang dalawa, lalo na at hindi rin naman taga-showbiz ang kanyang former partner.

Nang tanungin naman siya tungkol sa issue na nag-uugnay sa kanya kay presidential son at Ilocos Norte representative Sandro Marcos, ang sagot ni Yassi, “Hindi po iyon totoo at all. Tawang-tawa nga po kami.

“Nalagyan lang po ng malisya dahil na-slowmo, nalagyan ng music,” sabi nito.

Panoorin ang buong interview nila Yassi at Ruru dito:

Samantala, tignan ang naging fitness transformation ni Yassi sa gallery na ito.


Yassi Pressman
New beginnings
Workout
Thick thighs
Sweat
#YassLetsGetIt
May
Curves
Weight loss
Grind
Pink
Mirror selfie
Update
Calendar Girl
Queen of the Barangay
Girl on fire
Then and Now

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU