Showbiz News

Beauty and The Guy: Kaibigan lang ang tingin ni Jonah kay Shane

By Abbygael Hilario

Matapos ang aksidente, inakala ni Shane (Piploy Kanyarat Ruangrung) na mag-aalala sa kanya ang lahat.

Hindi niya matanggap na ang ate niya na si Irene (Min Pechaya Wattanamontree) pa rin ang bukambibig ng mga taong mahal niya.

Lalong nagalit si Shane nang dalawin siya ni Jonah (Metawin Opas-iamkajorn) sa ospital hindi upang kumustahin kundi para ipagtapat na hindi niya ito magugustuhan gaya ni Irene.

Para kay Jonah, itinuturing niya lamang si Shane bilang isang matalik na kaibigan.

SOURCE: GMA Network


Habang tumatagal, mas napapalapit naman si Gene (Pod Suphakorn Sriphothong) kay Irene.

Mas dumadami na rin ang katanungan ni Gene tungkol sa tunay na relasyon nina Irene at Shane.

Nang maospital si Shane, hindi nag-match ang blood type ni Irene kay Shane kaya siya ang naging blood donor nito.

Magkapatid nga ba talaga sina Shane at Irene?

Alamin sa mga susunod na episode ng Beauty and The Guy, Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA Network.