
Sa pagsapit ng unang taon ng afternoon prime series na Abot-Kamay na Pangarap, sunod-sunod din ang blessings na natanggap ng bida nitong si Jillian Ward. Isa na riyan ay ang pagbida nito sa isang pelikula kasama si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.
Sa interview ni Jillian kay Lhar Santiago sa “Chika Minute” para sa 24 Oras, ipinahayag nito kung gaano siya kasaya sa pelikulang gagawin kasama ang nasabing senator at action star.
“Masaya po ako kasi si Sen. Bong po talaga 'yung tumawag po sa akin, tinanong niya po ako kung game po ba 'ko at kada may update po dun sa pinaplanong movie, lagi niya po akong tinatawagan,” aniya.
Dagdag pa ng aktres, sobrang na-touch siya sa ginagawa ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis star.
“Kasi parang tatay din po talaga siya para sa akin,” sabi nito.
Sa kasalukuyan ay wala pang ibang detalye tungkol sa bagong pelikula nina Jillian at Bong.
BALIKAN ANG TRANSFORMATION NI JILLIAN MULA CHILD STAR TO TEEN STAR DITO:
Samantala, sumabak naman ang young actress at mga co-stars nito sa ilang “intense scenes” sa serye, isang bagay na, ayon kay Jillian, ay na-miss niya.
“Na-miss ko nga po 'yung mga ganitong eksena, 'yung mga intense po talaga, tapos meron po kaming ginagawa na something intense sa medical part po ng show,” kuwento pa niya.
Dagdag pa ng aktres, “Super na-excite po ako habang ginagawa po 'yung mga eksena.”
Happy at grateful din si Jillian sa nalalapit na pag-iisang taon ng kanilang serye, at sinabing nagsa-suggest siya sa direktor nila ng mini-concert na puwede nilang gawin para ipagdiwang ito.
“Isina-suggest ko po ito kina direk na gumawa po kami ng parang mini-concert na meron na rin pong something na medical na makakatulong po sa mga tao,” bahagi ng aktres.
Panoorin ang interview ni Jillian dito: