Showbiz News

Beauty and The Guy: Hindi hahayaan ni Jonah na mawala si Irene sa kanya!

By Abbygael Hilario

Ipaglalaban ni Jonah (Metawin Opas-iamkajorn) ang nararamdaman niya para kay Irene (Min Pechaya Wattanamontree).

Hindi hahayaan ni Jonah na mawala muli ang babaeng pinakamamahal niya. Gagawin niya ang lahat upang magkabalikan sila ni Irene.

Sa #BATGPaubaya episode ngayong araw, nagalit ang lolo ni Irene kay Jonah matapos nitong marinig ang usapan nila ni Shane (Piploy Kanyarat Ruangrung) sa ospital. Nalaman na rin niya na walang relasyon ang kanyang apo sa naturang beterinaryo.

Lalo namang kinamuhian ng lolo ni Irene si Jonah matapos itong siraan ni Gene (Pod Suphakorn Sriphothong) at tawaging tamad.

Source: GMA Network

Hindi naman natuwa si Irene sa ginawa ni Jonah. Iniisip kasi nito ang kalagayan ng kanyang kapatid na si Shane.

Gustuhin man ni Irene na makipagbalikan kay Jonah ay hindi niya magawa dahil alam niya na may pagtingin din ang kanyang kapatid para dito.

May pag-asa pa ba ang kanilang relasyon o tuluyan nang magpapaubaya si Irene?

Alamin sa mga susunod na episode ng Beauty and The Guy, Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA Network.