Ilang personalidad ang nakasama ni 'The Clash' finalist Anthony Rosaldo sa music video ng kaniyang unang single na 'Larawan Mo.' Kilalanin kung sinu-sino ang mga 'yan sa gallery na ito.
Ang 'StarStruck' alumna Kris Bernal ang naging leading lady ni Anthony sa music video ng 'Larawan Mo.'
Kasama rin sa music video ang sikat na vlogger at social media influencer na si Michelle Dy. Mayroon ng one million subscribers ang YouTube channel ni Michelle.
May appearance rin ang original member ng SexBomb na si Mia Pangyarihan.
Lumabas din sa music video ng 'Larawan Mo' ang aktor na si Kristof Garcia.
Bumida rin ang tinaguriang 'Igorot Man' na si Renz Lagria.
Another social media influencer Mark Kevin Garcia also has an appearance in the music video of 'Larawan Mo.'
Kasama rin ang gym at beach enthusiast na si BA De Guzman.
May appearance din ang dancer, model, at actress na si Jelly Revilla.