Showbiz News

Direk Irene Villamor excited about movie 'Five Break-ups and a Romance' starring Alden Richards and Julia Montes

By EJ Chua

Matunog na sa Philippine entertainment industry ang bagong pelikula ni Direk Irene Villamor, ang nasa likod ng mga pelikulang Sid & Aya: Not a Love Story, Meet Me in St. Gallen, On Vodka, Beers, and Regrets, at marami pang iba.

Ang bagong pelikula ay pinamagatang Five Break-ups and a Romance, kung saan unang beses na mapapanood bilang magkatambal sina Alden Richards at Julia Montes.

Kamakailan lang, ibinahagi ni Direk Irene sa Instagram ang ilang behind-the-scenes photos at videos mula sa natapos na shooting para sa upcoming movie.

Ayon sa kanyang caption, “From pitching this concept around January to Alden and Julia saying yes, to script readings and look tests and Singapore sweaty shoots, to food trips and red wine... lots and lots of red wine...”

Tinatapos niya ang kanyang post sa pahayag na, “Here we go #FiveBreakupsAndARomance.”

A post shared by Irene Emma Villamor (@ayrin)

Matatandaang nag-trend online ang announcement tungkol sa pelikula nang maganap ang media conference nito noong April 2023.

Samantala, ang Five Break-ups and a Romance ay ang kauna-unahang movie collaboration ng GMA Pictures, CS Studios, at Myriad Productions.

Abangan ang kauna-unahang pelikula nina Direk Irene, Alden, at Julia.