Showbiz News

'Five Breakups and a Romance' scene drop goes viral

By EJ Chua

Viral ngayon sa social media ang isang eksena nina Alden Richards at Julia Montes sa upcoming at first-ever movie nila na Five Breakups and a Romance.

Sa scene drop na may hashtag na #5BAARscenedrop, napanood ng netizens ang ilang eksena ng mga karakter nina Alden at Julia na sina Lance at Justine.

Natunghayan sa video na mayroong matinding pinagtatalunan sina Lance at Justine habang nasa gilid ng isang swimming pool.

Lasing si Lance at tila mayroong gustong malaman si Justine mula sa una.

Panoorin ang eksenang ito:

Bukod sa social media accounts ng GMA at iba pang platform, ang naturang scene drop ay inupload din nina Alden at Julia sa kani-kanilang respective Instagram accounts.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 1 million combined views ang video.

Narito ang positive comments ng ilang celebrities at netizens tungkol sa eksena nina Alden at Julia sa Five Breakups and a Romance.

Samantala, ang naturang movie ay isinulat at idinirek ni Direk Irene Villamor.

Abangan at panoorin ang Five Breakups and a Romance sa big screens ngayong 2023.