Showbiz News

Royce Cabrera, maagang nag-celebrate ng birthday kasama ang fans

By Jimboy Napoles

Maagang ipinagdiwang ng Kapuso hunk actor na si Royce Cabrera ang kanyang 27th birthday kasama ang ilan sa kanyang fans sa isang intimate party nitong Biyernes ng gabi, Setyembre 1.

Sa post ng Sparkle GMA Artist Center, makikita ang mga larawan mula sa advance birthday celebration na inorganisa ng fans at ilang sponsors ni Royce para sa kanya.

Royce Cabrera surely felt all the love from his amazing fans as they celebrated his upcoming birthday in an intimate get together last night,” caption sa nasabing post.

Sa September 5 pa ang tunay na birthday ni Royce pero nauna nang sinorpresa ng kanyang fans ang aktor.

Nakipag-bonding naman ang aktor sa kanyang fans sa nasabing advance birthday party.

Samantala, mapapanood naman si Royce sa upcoming GMA Afternoon Prime series, ang Makiling, na pinagbibidahan nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.