Showbiz News

Jirisan: Ang pag-akyat ng Mount Jiri | Week 1 recap

By Kristian Eric Javier

Umpisa na ng adventures nina Iya (Jun Ji-Hyun) at Anjo (Ju Ji-Hoon) at ang una nilang misyon ay ang umakyat at i-rescue ang mga tao sa Jirisan kasama ang Jiri Mountain National Park rangers.

Sa pagdating ni Anjo sa Jiri Mountain National Park ay isinalang na kaagad siya sa kanyang unang misyon: ang sagipin ang isang batang may suicide tendencies. Ngunit dahil may paparating na bagyo ay napilitan ang rangers na itigil pansamantala ang search.

Nang makabalik na sa opisina ang mga rangers, pinaalala ng kanilang leader na parehong importante ang safety nila at ng mga taong kailangan ng kanilang tulong.

Matapos magpahinga, ipinaalam ni Anjo kay Iya na buhay pa ang batang kailangan nilang i-rescue.

Muling lumabas sina Anjo at Iya para hanapin ang nawawalang bata. Sa tulong ng lola nito, nalaman ng rangers na buhay pa ang rescuee na inakala nilang wala na.

Dahil sa bagong development, ipinaalam ng kanilang chief kung saan maaaring nagpunta at matagpuan ang hinahanap nilang bata.

KILALANIN SI JU JI-HOON, ANG AKTOR NA GUMANAP BILANG SI ANJO SA GALLERY NA ITO:

Matapos mailigtas ang bata ay makikita ang kinahantungan ni Iya. Ang dating magaling na ranger na alam ang bawat pasikot-sikot ng Jirisan, ngayon ay nakatali na sa isang wheelchair.

Ano nga ba ang nangyari kina Iya at Anjo sa paglipas ng panahon?

Sa kasalukuyang panahon, hindi man nakabalik si Iya bilang isang ranger, naging parte naman siya ng staff sa opisina at sa kanyang pag-iimbestiga ay mauungkat ang misteryo ng Mount Jiri.

Mauungkat din ang nangyari kina Iya at Anjo noon na naging dahilan ng kanyang pagiging baldado.

Sa isa sa mga nakaraang misyon ni Anjo, isang lalaki ang tinulungan nito na hanapin ang nawawalang ama. Ngunit dahil naka-off duty, ay kailangan niya ito gawing mag-isa.

Sa pagtawag ni Anjo kay Iya ay nalaman ng dalaga na umakyat ito ng bundok. Nalaman din nito na isang kriminal ang kasama ng kanyang partner sa bundok.

Magiging dahilan ba ito para mapahamak ang newbie ranger?

Sundan ang adventures nina Anjo at Iya sa Jirisan, Monday to Friday, 10:20 P.M. sa GMA.