GMA Logo angela alarcon
source: angelaalarcon/IG
What's Hot

Angela Alarcon, binansagang 'shapeshifter' ng mga manonood

By Kristian Eric Javier
Published September 9, 2023 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Davao City Coastal Road Segment B nga lakip ang Davao River Bucana Bridge, abli na | One Mindanao
PBB Collab 2.0: Housemates take on caroling challenge for 8th weekly task
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

angela alarcon


Bukod sa pagiging cadet sa Camp Big Falcon sa 'Voltes V: Legacy,' napapanood din si Angela Alarcon bilang si Alisson Flores sa 'Magandang Dilag.'

Masaya at grateful si Angela Alarcon para sa mataas na ratings ng hit GMA Afternoon Prime series na Magandang Dilag

Sa interview ng GMANetwork.com, nagbigay ng mensahe ng pasasalamat si Angela sa lahat ng sumubaybay at patuloy na nanunood ng afternon teledrama, na pinagbibidahan ni Herlene Budol.

“Thank you dahil sobrang taas ng ratings namin, sobrang dami pong nanonood online at on TV also. I'm really glad na na-extend kami,” sabi nito.

MAS KILALANIN PA SI ANGELA ALARCON SA GALLERY NA ITO:

Bukod sa pagganap niya bilang Alisson Flores sa afternoon series, gumanap din si Angela bilang si Kelly Bautista, isa sa mga cadet sa Camp Big Falcon, sa Voltes V: Legacy. Dito, ibinahagi ng aktres na ang most memorable time niya sa serye ay ang premiere night ng cinematic version nito.

“Everyone was like in their fashionable outfits, and parang na-realize namin na deserve namin 'tong success namin all together,” sabi nito.

Paliwanag ng aktres, “Kasi three years kami halos magkasama together sa lock-in taping and we literally grew close together so 'yung bond namin is very unshakeable.”

Ayon pa sa aktres ay nag-celebrate sila ng co-stars niya kasama ang direktor nilang si Mark Reyes, na nakasama nila sa isang dinner pagkatapos ng premiere.

Nang tanungin ang aktres kung paano niya na-juggle ang dalawang roles, sinabi niyang naging malaking tulong ang kanyang mga direktor at co-stars.

“Yeah, na-juggle ko naman siya with the help of my co-stars na sobrang galing din so when you have such inspiration on set, talagang pagbubutihan mo talaga,” sabi nito.

Dagdag pa ni Angela, “Nailalabas mo talaga kung anong meron ka and I'm really happy na I have such amazing directors and amazing cast who were able to be there to help me with my craft.”

Ibinahagi rin niya kung paano siya tinatawag na “shapeshifter” ng mga nanonood dahil sa magkaibang roles sa afternoon at primetime series niya.

“Pero natutuwa naman ako kasi eventually, naipalabas ko kung ano 'yung meron akong skills at na-realize ko na I think I was able to adapt well in different roles,” sabi nito.

Ipinahayag din ni Angela kung gaano siya kasaya na naa-appreciate at sinusuportahan ng mga manonood ang mga karakter na ginagawa niya.

“Marami akong na-i-impact na mga tao so I'm really happy with that,” pagtatapos niya.