Showbiz News

David Licauco and Barbie Forteza were almost 'Meant To Be'?

By Jansen Ramos

Ni-"real talk" ni Primetime Princess Barbie Forteza ang kanyang loveteam partner na si David Licauco para sa isang online exclusive video ng GMA Network.

Dito ay ibinahagi ng aktres ang ilang bagay tungkol sa aktor habang ito ay naka-headphones para hindi nito marinig ang kanyang sinasabi.

Interesting fact na ibinahagi ni Barbie kung saan niya unang nakilala si David.

Ayon kay Barbie, first time niyang nakita si David nang mag-audition ang aktor sa 2017 romcom series na Meant To Be, na pinagbidahan ng aktres.

Revelation ni Barbie, isa si David sa mga nag-audition bilang isa sa apat na leading man niya bilang si Billie se serye.

Bahagi ni Barbie, "The first time I met David, kung 'di ako nagkakamali, audition ng Meant To Be. Isa s'ya sa mga nag-audition na boys. And, actually, kung 'di ako nagkakamali, isa rin s'ya sa choices kaya sabi ko, 'ay siya 'yung matangkad na chinito. 'Tapos after no'n, ang sumunod na kita namin is sa GMA na yata, regional show."

Sa Meant To Be, nakapareha ni Barbie sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj, at Jak Roberto, na kasalukuyang karelasyon ng dalaga.

Panoorin ang buong online exclusive video sa itaas.

Kasalukuyang napapanood sina Barbie at David sa special limited series na Maging Sino Ka Man na ipinalabas weekdays sa GMA Telebabad.

Ito ang sumunod nilang proyekto matapos ang success ng kanilang tambalan bilang FilLay sa Maria Clara at Ibarra.