GMA Logo anjay anson
What's Hot

Anjay Anson, enjoy na enjoy bilang 'Unang Hirit' host

By Nherz Almo
Published September 17, 2023 1:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PAGASA update on Tropical Depression Ada as of 11 AM (Jan. 14, 2026) | GMA Integrated News
NCAA women's volleyball is back this January
Student harassed on the road by rider in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News

anjay anson


Natutuwa si Anjay Anson dahil unti-unti niyang nao-overcome ang takot niya sa pagharap sa publiko sa pamamagitan ng pagho-host sa 'Unang Hirit.'

Aminado si Anjay Anson na hindi niya inaasahang malilinya siya sa pagho-host sa pamamagitan ng morning show na Unang Hirit.

“I'm not used to talking in front of group of people. Hindi ko siya nakasanayan since noong bata ako, never ako nagkaroon ng chance. Kapag binibigyan ako ng mic, lagi akong tumatanggi,” lahad ni Anjay nang makausap siya ng GMANetwork.com at iba pang media matapos ang dinaluhan niyang “The Public Speaking Huddle,” na pinangunahan ni Dr. Boy Abunda.

Katulad ng natutunan niya mula sa public speaking seminar ng King of Talk, sabi ni Anjay malaking tulong ang pagbibigay sa kanya ng pagkakataong maranasan ang pagho-host.

“That's beauty of growing, that's the beauty of experiencing. Tulad nga ng sabi ni Tito Boy, going out of your comfort zone, that's where the magic happens,”aniya.

Pag-alala pa niya, “Noong first time kong maka-try ng hosting, sobrang kinabahan ako, I don't know what I was doing. Pero once you get the hang of it, magtutuloy-tuloy na. Once na-experience mo na yung mga bagay, parang para sa akin, you'll get used to it and you'll get to enjoy every moment of it.”

Kaya naman kung dati ay kinakabahan siya, ngayon ay nae-enjoy na raw ni Anjay ang pagho-host para sa Unang Hirit.

“Sobrang iba niya,”nakangiting komento ng binate.

“Experiencing it live, na you'll get to interact live with people. It's very different with acting, na you're impersonating yung mga situation sa buhay n'yo. Iba kasi kapag nakikipag-communicate ka with other people. It's really a different experience.

“Somehow nacha-challenge ako kasi every setting is a different home. Hindi mo alam kung ano ba ang mga tao rito. Hindi mo alam kung maa-accept ka ba nila. Pero that's the thrill of it, di ba? Parang mas okay na pumasok sa isang bagay na hindi mo ine-expect na mangyayari kasi doon ka makakahanap ng things na matutunan mo for life.”

A post shared by Anjay Anson (@_anjayanson)

Sa ngayon, nais daw ni Anjay na paghusayan pa ng husto ang kanyang hosting skills.

“Recently ko lang nakuha yung courage na panoorin yung live ko kasi kahit ako nahihiya ako. Pero doon ko nakita yung dead air, miscommunication namin ng co-host ko. Hindi talaga siya perfect, pero naging stepping stone para malaman kung ano pa yung mga kailangan kong i-improve, ano pa yung mga kailangan kong ayusin,”pagtatapos niya.