Showbiz News

'Shining Inheritance' PH adaptation cast, ipinakilala na!

By Dianne Mariano

Sa unang pagkakataon, nagsama-sama ang cast ng upcoming Philippine adaptation ng sikat na K-drama na Shining Inheritance sa naganap na story conference nitong Lunes, September 18.

Kilala rin ang naturang series bilang Brilliant Legacy na napanood sa GMA Network noong 2009.

Ang Shining Inheritance ay pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.

Makakasama rin sa stellar cast ng serye sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Seth Dela Cruz, at Charlize Ruth Reyes.

Sa interview ng GMANetwork.com, labis ang saya ni Kate na maging bahagi ng nasabing serye at excited na siyang makatrabaho ang iba pang cast ng programa.

“Excited ako and I feel so blessed and happy na isa po ako sa napili na mag-portray ng isang role dito sa Shining Inheritance. Excited ako sobra na makatrabaho 'yung mga actors na hindi ko pa nakakatrabaho. Mostly dito, si Kyline and si Paul pa lang 'yung nakaka-work ko and the rest hindi pa. So I'm very excited and happy and blessed,” kwento niya.

Inamin naman ni Michael na nakaramdam siya ng pressure pero nagpapasalamat siya na naging bahagi ng Shining Inheritance.

Aniya, “Noong nag-screen test ako for this show, I watched the K-drama. Sabi ko, 'Ano ba 'tong show na ito?' First, I watched it lang to get a gist of it pero na-addict ako sa show, as in ang ganda niya, natapos ko 'yung buong series.

"So noong na-announce na nakuha ko na 'yung role, grabe like until now pagpasok, kinakabahan ako kasi it's such a great project. And for me, there's pressure but I'm just so excited and thankful to be a part of it.”

Gaya ni Michael, nakararamdam din ng pressure si Kyline ngunit game siya na harapin ito.

“I feel great, I feel so blessed, and, as usual, I feel nervous, lalo na Philippine adaptation ito at ako ay isang honorary ambassador for Korea Tourism in the Philippines. Mas nakakakaba siya but it's good pressure. Actually, I like the pressure naman,” saad niya.

Nagpapasalamat din si Paul sa oportunidad na ibinigay sa kanya na mapabilang sa upcoming series at excited nang makatrabaho ang kanyang co-stars.

“Nagpapasalamat ako kay God na sa akin niya binigay 'yung opportunity na ito. Sa [Entertainment Group], binigay nila sa akin 'yung opportunity to play the role of Francis Abrigo. Sabi ko nga, gusto ko mapakita naman sa tao 'yung character nito, 'yung mas maging big pa or mas maging iba 'yung atake ko kaysa sa original. Excited din ako sa mga makakatrabaho ko,” kuwento niya.

Abangan ang Shining Inheritance, soon sa GMA.