GMA Logo Johnny Manahan
What's Hot

Mr. M, gustong gumawa ng teleserye sa GMA

By Jimboy Napoles
Published September 27, 2023 1:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Johnny Manahan


Inamin ni Mr. M na gusto niyang gumawa ng isang teleserye sa GMA.

Inamin ng renowned star-maker na si Johnny Manahan o mas kilala bilang Mr. M sa GMANetwork.com na nais niya ring gumawa ng isang teleserye sa GMA Network.

Kasalukuyang direktor ngayon ng reality singing competition na The Voice Generations si Mr. M. Ito ang kanyang naging comeback project bilang isang TV director matapos ang tatlong taon dahil sa pandemya.

BALIKAN ANG HIGHLIGHTS NG THE VOICE GENERATIONS PREMIERE DITO:

Dahil sa magandang production quality ng The Voice Generations at matatas nitong TV ratings, tinanong ng GMANetwork.com kung nais niya rin bang gumawa ng isang Kapuso teleserye.

Sagot naman ni Mr. M, “Paminsan-minsan nagpaparinig ako na I'd like to do a teleserye.”

Dagdag pa ng star-maker at TV director, mabilis lamang ang produksyon ng series sa GMA, bagay na ikinatutuwa niya.

Aniya, “Kasi dito sa GMA, three months, two months [lang ang taping] e, may edad na rin ako e. Hindi ko na kaya 'yung ginagawa ko noon na two years ang programa, two years akong kumakayod kung saan-saan sa Pilipinas doing a show.”

“I'd like to try something. Tingnan natin ang mangyayari,” ani Mr. M.

Samantala, nagpapasalamat din siya sa mainit na pagsuporta at pagsubaybay ng mga manonood sa The Voice Generations kung saan nagsisilbing coaches sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Stell, at Chito Miranda, at host naman si Dingdong Dantes.

“So I'm glad that people like the show, and binigay ko 'yung kaalaman ko and 'yung puso ko doon sa show,” aniya.

Para sa ibang napapanahong balita at entertainment updates, bisitahin ang GMANetwork.com.