Showbiz News

Pictures ni Sarah Lahbati habang buntis, inilabas na




Ngayong inamin na nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na proud parents na sila, lumabas na rin ang ilang larawan ni Sarah noong ipinagbubuntis pa lamang niya si baby Zion.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, dalawang larawan ng isang blooming at pregnant na Sarah Lahbati ang inilabas ng isang entertainment magazine. May isa ring larawan kung saan magkasama sina Richard at Sarah habang sila ay nasa Europe.


Nitong June 1, kamay lamang ni baby Zion ang ipinakita sa Instagram ni Sarah. Kahapon, June 2, si Richard naman ang naglabas ng photo ni Sarah na hinahalikan si baby Zion na may caption na “My life <3”. Sa naturang picture, nakatago pa rin ang mukha ng kanilang baby.

Sa statement ni Richard sa isang entertainment magazine, sinabi niya na “I’m very proud of my family. I’m very proud of baby Zion, and at least now, we get to share baby Zion with everyone in our own terms."

Bago inamin ni Richard na isa na siyang ama, nauna nang nagbigay ng suporta ang kanyang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Ani Annabelle, “Siyempre, haping-happy ako sa pamilya ko, na ‘yung pamilya intact hanggang ngayon. Sama-sama pa rin kami.”

Dagdag naman ni Eddie, “Ang family naming, hindi perfect, pero ang masasabi ko lang, kapag mayroong kaunting misunderstanding, at the end of the day, magkakaibigan na naman lahat.”

Ngayong nagbabalik showbiz na si Sarah, walang daw problema kay Richard na sumabak siya sa sexy roles.

Aniya, “You know Sarah, she’s very wise. She makes wise decisions so whatever her decision is, I’ll support her.”

Balikan ang love story nina Richard and Sarah sa gallery na ito.