Showbiz News

Parenting tips from Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, and Mark Herras




Hindi lamang magagaling na artista kungdi loving parents din ang StarStruck alumni na sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi at Mark Herras.?

Five years old na ang anak ni Jennylyn na si Alex Jazz, while Yasmien's daughter Ayesha Zara turned one last November. Proud daddy naman si Mark sa kanyang baby na si Ada Sofia Nicolette na bininyagan noong nakaraang linggo lamang.

Sa naganap nilang live chat last May 9, nagbahagi ng ilang parenting tips ang mga bida ng katatapos lamang na primetime series na Rhodora X, lalo na't pare-pareho silang busy sa kanilang showbiz commitments.

"Kapag nagte-training naman ako, sinasama ko si Jazz. ?Mayroon din siyang sariling bike, tapos tumatakbo siya. Kapag magsu-swimming din ako, mayroon siyang sariling pang-swimming. Pagkatapos magla-lunch kami or pupunta sa mall," pahayag ni Jen nang tanungin kung paano sila nagba-bonding ng kanyang anak.

Paliwanag niya, "Kasi masaya na siya 'yung maglalakad lang, hindi naman siya 'yung bata na kukuha ng gamit tapos magpapabili. Masaya na siya 'yung malamig lang. Okay na siya doon."

Kapag nasa trabaho sila, how do they make sure that their kids are okay?

Confident daw si Jen na laging safe at naaalagaan ng mabuti si Jazz. "Siguro naman mapagkakatiwalaan ko ang nanay ko? (laughs) Nanay ko ang nag-aalaga sa kanya kapag nagtatrabaho ako. Siyempre mahirap 'di ba kung ibang tao like yaya, hindi natin masasabi."

Yasmien, on the other hand, makes good use of technology. "May Facetime, naka-unli naman ang calls ko. Tapos nandoon naman ang mga relatives like 'yung lola."

Kung mayroon man silang ultimate tip na maibibigay sa pagiging isang magulang, ito ay ang hayaan ang inyong mga anak na mag-explore.

"Let your kids explore. Huwag masyadong higpitan, maarte. Kasi ganyan ako dati kay Jazz. Sobrang lahat ng hawakan, alcohol agad tapos pupunasan mo na. Hindi rin pala maganda 'yung sobrang linis. Hayaan mo silang mag-explore lang, laro lang ng laro," says Jen.

Sang-ayon naman dito si Mark. "Dapat i-enjoy nila ang kabataan nila," he adds, habang si Yas naman ay biglang napasabi ng "Si Ayesha nga kinakain niya sapatos niya. Go lang (laughs)!"

For the latest news on Jennylyn, Yasmien, Mark, and other Kapuso stars, visit GMANetwork.com