GMA Logo Alden Richards and Julia Montes
What's Hot

Alden Richards at Julia Montes, ibinahagi kung ano ang nadiskubre sa isa't isa

By Kristian Eric Javier
Published October 11, 2023 2:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 persons hit by stray bullets in Iloilo, Bacolod
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards and Julia Montes


Ano nga ba ang masasabi nina Alden Richards at Julia Montes sa isa't isa?

Inilarawan ng Five Breakups and a Romance lead stars na sina Alden Richards at Julia Montes ang isa't isa bilang “raw.” Ito ang sinabi nila nang mag-guest sila sa GMA morning show na Unang Hirit nitong Miyerkules, October 11.

Sa kanilang interview, ibinahagi ni Julia na ang kanilang pelikula ay kuwento ito ng pagmamahal. Iniliarawan din niya ang pinagkaiba ng usual na love story sa kanilang romance film.

“Normally po 'di ba 'pag love story, ang kinukwento natin, paano nagsimula ang pagmamahalan, ano ang happy moments, 'yung mga kilig side. Pero this time, ang focus po ng film is the hardship, paano ito ipaglalaban ang pagmamahalan,” aniya.

Ito man ang una nilang pagkakataon na magkatrabaho, iisa ang masasabi nina Alden at Julia nang tanungin sila kung ano ang nadiskubre nila sa bawat isa.

Ayon kay Alden, “Pumasok po agad 'yung ideal. That's how she is as a person. Ramdam mo 'yun when you see her on-screen, tapos very raw, walang pretensyon, walang kaplastikan sa katawan.”

Para naman kay Julia ay iisa lang ang nakikitang Alden sa screen at sa personal, mabait.

“Tsaka 'yung rawness. sinasabi niya na raw ako, siya din, raw. Kaya ko na-appreciate 'yung friendship,” sabi nito.

BALIKAN ANG CAST PARTY NA DINALUHAN NINA JULIA AT ALDEN DITO:

Ibinahagi rin ni Julia na bihira siyang magkaroon ng lalaking close friend kaya naman na-appreciate niya ang personality ng Asia's Multimedia Star kahit off-cam.

Nang tanungin naman sila tungkol sa breakups na naranasan nila, ibinahagi ni Alden na hindi lahat ng breakups ay romantic.

“'Di ba, 'yung heart breaks, puwede 'yan sa when you lose your job, when someone dies, so kung breakups, marami na,” sabi nito.

Para naman kay Julia, “Siguro I can say kapag family ang involved, 'yun 'yung greatest heartbreak.”

Panoorin ang buong interview nila rito: