Showbiz News

Lexi Gonzales, biglaan ang pagiging artista

By Kristian Eric Javier

Aminado si Lexi Gonzales na hindi naman talaga niya pinangarap maging isang artista noon. Ayon sa StarStruck Season 7 First Princess sa aktres ay bigla na lang itong dumating sa buhay niya.

“When I was little, gusto ko talaga maging newscaster, and then singer on the side kasi I was also singing na rin nung bata ako, pinapakanta nila ako lagi sa school,” kuwneto ni Lexi sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast.

Dagdag pa niya, “Pero I never thought na to be an artista, an actor. Parang bigla na lang po siyang dumating sa buhay ko.”

Base sa pag-alala ni Lexi, nagsimula ang lahat nang lumapit sa kanila ng mama niya ang isang talent scout at ibinigay sa kanila ang number nito. Simula noon ay sumabak na siya sa auditions at pinangarap niyang makapasok sa GMA.

"I really wanted to get into GMA, pero hindi ako nakapasok agad sa GMA. I went through a lot of trials pa. Pero 2019, thank God, I was able to get into StarStruck. Then, 2020 I was able to sign na din a contract with Sparkle, with GMA,” kuwento ng dalagang aktres.

SAMANTALA, TINGNAN ANG STYLISH OOTDS NI LEXI DITO:

Inamin ni Lexi na pamilyar na siya noon sa StarStruck kaya gustong-gusto niyang makapasok noon sa Kapuso network. Dahil din sa mga actors at anchors ng GMA kaya niya gusto sa network, ngunit hindi siya pinalad.

Ayon pa sa dating Underage star, pinilit niya noon makasali sa StarStruck noong 16 pa lang siya, ngunit hindi siya pinapasok.

“Hinarang nila ako sa gate tapos kahit anong pagmamakaawa ko, hindi talaga. Then, nung na-scout na po ako, at saka niya po ako pinapadala sa ibang auditions,” sabi niya.

Inamin din ni Lexi na may kaunti siyang frustrations noon dahil hindi pa rin siya nakakapasok sa GMA hanggang sa mag-audition at makasama na siya sa Season 7 ng StarStruck.

Kuwento ni Lexi, nakuha niya ang galing sa pagkanta at pagiging artista sa kaniyang lola na isang miyembro ng chorale.

“I think ang laki din talaga ng influence ng lola ko sa buhay ko with performing, with singing, and with news,” sabi nito.

Bago pa nawala ang kaniyang lola, nalaman na nito na nasa showbiz si Lexi. Ayon sa aktres, naipahayag ng kanyang lola kung gaano siyaka-proud sa young actress.