Showbiz News

Gabby Eigenmann, peg ang ama sa gagampanang gay role sa 'Dading'



Noong Miyerkules (Hunyo 4) ay sumalang na sa pictorial ang cast ng pinakabagong aabangang Afternoon Prime drama series sa Kapuso Network, ang Dading. Kumpleto sa pictorial ang apat na bida na sina Glaiza De Castro, Benjamin Alves, Chynna Ortaleza at Gabby Eigenmann.

Sa interview ay naitanong kay Gabby kung sino ang peg niya sa gay role na gagampanan sa serye. “Madami, of course. Siyempre my dad (Mark Gil) who portrayed a couple of gay roles. My uncle si Tito Mike (Michael De Mesa), Tito Tirso (Tirso Cruz III) and Tito Bembol (Bembol Roco). I’ve seen a few clips and nakakapressure,” sagot ng Kapuso actor.

Bagamat kabado ay inihayag ni Gabby kung gaano siya ka-excited sa gay role na kanyang gagampanan gayon din ang makatrabaho sa unang pagkakataon ang Kapuso leading lady na si Glaiza De Castro. “Siyempre kinakabahan pero I think it’s healthy. I portrayed a real gay person in Magpakailanman, so parang ginaya ko lang siya. Ito kasing sa Dading, full length ito and created ‘yung character. Kumbaga wala kang basehan kung sino ‘yung ginagampanan mo.”

"For so long lagi lang kaming hi-hello ni Glaiza. I never had a chance to work with her. So finally ito na, magkakatrabaho na kami. She’s very helpful and in fact noong first scene naming nagyakapan pa kami after. Parang ‘wow, first scene natin together,’” dagdag pa niya.

Sa direksiyon ng batikang aktor na si Ricky Davao, makakasama rin sa Dading sina Gardo Versoza, RJ Padilla, Shamaine Buencamino, Mymy Davao, Zarah Mae Deligero, at Toby Alejar.

Mapapanood na ang Dading ngayong June 23 sa Afternoon Prime block ng GMA.