Showbiz News

Liza Soberano, kumalas na sa management ni James Reid na Careless?

By Jimboy Napoles

Usap-usapan ngayon ang pagkalas na 'di umano ni Liza Soberano sa management na pinangungunahan ni James Reid, ang Careless. Ito ay kasunod ng balitang ipalalabas na sa susunod na taon ang unang Hollywood movie kinabibilangan ng una, ang Lisa Frankenstein.

Sa isang episode ng online showbiz show na Marites University, nabanggit ni DJ JhaiHo na nasabi sa kaniya ng isang source na ang tiyahin na ni Liza ang nagma-manage ngayon sa aktres.

RELATED GALLERY: Prettiest photos of Liza Soberano

“Ayon po sa aking very reliable source, ang chika nga raw po ay wala na nga raw po itong si Liza under the management of Careless and also even kay James [Reid] wala na raw,” ani DJ JhaiHo.

Dagdag pa niya, “Parang ang sabi, 'Sa Careless, hindi na siya mina-manage, kung hindi Tita niya na ulit ang nagma-manage sa kaniya.'”

Chika pa ni DJ JhaiHo, ayon umano sa kaniyang source, sinabi rin ni Liza na, “Hindi na muna ako gagawa ng Filipino projects.”

Sa kabilang banda, isang source naman ng GMANetwork.com ang nagsabi na hindi totoong umalis na sa Careless si Liza.

RELATED GALLERY: Ahn Hyo-Seop, Anne Curtis, Liza Soberano, and more stars spotted at
Gentle Monster launch in BGC

Bagamat wala pang direktang kumpirmasyon mula sa kampo nina Liza at James tungkol dito, nakita naman ang dalawa na dumalo sa Gentle Monster launch noong Lunes, October 16.

Sa katunayan, sa maiksing panayam kay James ng GMANetwork.com at ilang piling entertainment media, nagpahayag pa ng pagsuporta ang aktor-singer sa pagpapalabas ng pelikula ni Liza sa Hollywood.

Aniya, "We've been waiting for this. I've seen a few of the first drafts myself and it's Liza like you've never seen her before. We're super excited."

Bago ito, mapapanood si Liza sa travel vlog na Liza in Korea. Ayon kay Liza, nahinto pansamantala ang pag-pursue niya sa kanyang Hollywood career dahil sa nangyaring writers' strike dito kamakailan.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Liza, "A lot of my efforts over the past two years was really just trying to gain awareness for myself in Hollywood because that's where I really want to start pursuing a career at. But because of the strike, a lot of that was put on hold and like, I'm legally not allowed to act because I'm part of the SAG (Screen Actors Guild).”

Sa ngayon, aktibo rin si Liza sa pagdalo sa ilang international fashion events at ilang endorsements para sa international brands.

Para sa iba pang showbiz updates, bisitahin ang GMANetwork.com.