GMA Logo Francis Magalona Memorabilia Boss Toyo
What's Hot

Ibinentang jersey ni Francis M mula kay Abegail Rait, nabili na ulit?

By Jimboy Napoles
Published October 20, 2023 11:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Francis Magalona Memorabilia Boss Toyo


Mga memorabilia ni Francis M. nabili na mula sa collector sa halagang 8 million?

Sa latest episode ng vlog ng content creator at collector na si Boss Toyo na Pinoy Pawnstars, isang lalaking nagpakilalang “Marvin” ang nagkainteres na bilhin sa kaniya ang mga memorabilia ng yumaong OPM icon at Master Rapper na si Francis Magalona o Francis M.

Isa sa collection ni Boss Toyo na nais bilhin ni Marvin ay ang blue jersey ni Francis M. na naging viral kamakailan lamang dahil ibinenta ito ng babaeng si Abegail Rait, ang nagpakilalang dating naging karelasyon umano ng master rapper.

BALIKAN ANG MGA LARAWAN NOON NI FRANCIS M. DITO:

Base sa vlog, dati nang bumisita si Marvin kay Boss Toyo upang makabili ng memorabilia ni Francis M. dahil isa ito sa kaniyang iniidolo. Nagbakasakali ngayon si Marvin na bilhin ang nasabing blue jersey upang ilagay sa kaniyang bagong bukas na negosyo.

Matatandaan na nabili ni Boss Toyo ang nasabing jersey kay Abegail sa halagang PhP500,000 pero gusto itong bilhin ni Marvin sa mas malaking presyo.

Aniya, “Ang mai-o-offer ko talaga sa'yo dito brother pinaghandaan ko naman, umoo ka man o hindi, sagad ko dito bro 2.5 [million].”

Nag-offer pa si Marvin na bibilhin niya kay Boss Toyo ang iba pang memorabilia ni Francis M. sa halagang 8 million.

“Pero kung ipa-package mo 'yan bro, ready ako 8 [million], kasama 'yan,” anang buyer na si Marvin kay Boss Toyo.

Dahil sa laki ng offer ni Marvin, tinawagan ni Boss Toyo ang kaniyang asawa upang hingin ang opinyon nito pero hindi ito pumayag na ibenta agad ang nasabing mga memorabilia.

“Sorry kasi kahit ako rin hindi ko pa naiisip na ibenta lahat ng holy grail, kasi kaya ko nga siya tinatawag na holy grail, gusto ko muna siyang ma-exhibit sa museum,” ani Boss Toyo kay Marvin.

Dagdag pa ng collector, “Sorry bro, unang-una rin kaya nga nila ipinagkatiwala sa akin 'yung mga ganyang item kasi no amount of money ang katumbas nito.”

Samantala, kaugnay ng naging viral vlog ni Boss Toyo tungkol sa paglabas ng ex-lover umano ni Francis M. na si Abegail Rait at ng kanilang love child na si Gaile Francesca, sinabi ng una sa isang report na na nag-reach out siya sa pamilya ng yumaong OPM icon bago niya ilabas ang vlog pero hindi umano sumagot ang mga ito sa kaniya.

Usap-usapan naman ngayon ang naging pag-like ng anak ni Francis M. na si Frank Magalona sa isang post ng netizen na tinawag na “mistress” at “homewrecker” si Abegail.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na reaksyon ang naiwang pamilya ni Francis M. tungkol sa usaping ito.