Showbiz News

Max Collins on Innamorata: “This is what made me, this made my career.”

By AEDRIANNE ACAR          

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Hindi maitago ni Kapuso Actress Max Collins ang lungkot sa nalalapit na pagtatapos ng hit show nila na Innamorata.
 
Max played the iconic character of Esperanza na gumaganda sa tulong ng isang mahiwagang kuwintas na pagmamay-ari ni Alejandra played by Gwen Zamora. 
 
Ayon sa dalaga, memorable para sa kanya ang show na Innamorata dahil nakatulong daw ito na makapagbigay inspirasyon sa mga bata, “When little kids come up to me, tapos tuwang-tuwa sila like parang nagiging inspirasyon sa kanila si Esper.”
 
Dagdag pa ng Kapuso actress maganda ang iiwang aral ni Esper dahil hindi ito nawalan ng pag-asa sa kabila ng mga suliranin na dumating sa buhay nito, “Maybe it’s because hindi siya maganda tapos hopeful pa rin siya and then maganda yung takbo ng buhay niya after all the pain and trauma that’s priceless, that’s priceless.” 
 
Marami ng nagawang soap si Max tulad ng Pahiram ng Sandali at Coffee Prince, pero mas higit na tumatak sa mga manunuod ang performance ng dalaga sa afternoon show.
 
“To be idolized by little kids. Sa career ko this is the biggest thing that I have ever been given and for people to call me 'Innamorata', like parang they really see me as the character this is what made me, this made my career.” masayang kuwento nito. 
 
Sa tanong na ano'ng lesson ang natutunan niya playing the character of Esper, sagot ni Max, “Lahat ng tao may kagandahan, as cliché as it sounds hindi sa itsura mo makikita yung kagandahan ng isang tao, kundi sa kalooban talaga and yung relationship sa tao ay based sa trust.” 
 
Panoorin ang last two weeks ng Innamorata at para sa pinakabagong balita sa inyong paboritong GMA shows mag-log on sa www.gmanetwork.com