Showbiz News

Miguel Tanfelix and Bianca Umali, the next Kapuso love team?

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Ngayong third week na ng Niño, muli na naman nating mapapanood ang tambalan nina Kapuso teen stars Miguel Tanfelix at Bianca Umali.
 
Bata pa lamang ay pumasok na sa showbiz sina Miguel at Bianca. Mas maaga nga lang si Miguel dahil anim na taong gulang lamang siya nang sumali sa StarStruck Kids. Samantala, si Bianca naman ay 11 years old nang makasama sa youth-oriented show na Tropang Potchi.
 
Ngayon ay 15 years old pa lamang si Miguel. Pero sa edad niyang ito, nakabilang na siya sa sikat na Kapuso shows noon tulad ng Mulawin. Siya ang gumanap sa character na ibon na si Pagaspas.
 
Samantala si Bianca naman, sa edad na 14 years old, ay naka-ilang teleserye na rin tulad ng Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa at Unforgettable.
 
Bukod pa sa kani-kanilang teleserye, mayroong dalawang soap na pinagsamahan nina Miguel at Bianca. Una silang nagsama sa Love and Lies last year. Nakatrabaho nila rito sina Richard Gutierrez, Bela Padilla, at Michelle Madrigal.
 
Pagkatapos nito ay nakitaan sila ng chemistry kaya’t binigyan sila ng pagkakataong maging magkatambal sa Mga Basang Sisiw bilang Chester at Faye. Ipinalabas ito sa GMA Afternoon Prime noong nakaraang taon din.
 
Dahil bagay na bagay sina Miguel at Bianca, sa ikatlong pagkakataon ay pagsasamahin silang muli sa isang teleserye. Ito ay sa Niño, ang first title role ni Miguel. Ang character ni Bianca rito ay si Gracie, ang teenager na kaibigan ni Niño. Malaki ang utang na loob ni Gracie kay Niño dahil iniligtas nito ang buhay niya noong mga bata pa lamang sila.
 
Masyado pang bata sina Miguel at Bianca para maging official ang kanilang love team. Kaya hangga’t bata pa sila, panoorin muna natin ang kilig scenes nilang dalawa sa tambalan nila sa Niño. Malay ninyo, sila na ang susunod na kagigiliwang Kapuso love team.
 
Abangan ang paglabas nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa Niño ngayong Martes ng gabi pagkatapos ng 24 Oras.