Showbiz News

Bianca Umali, ipinakilala na bilang bagong Sang'gre

By Aimee Anoc

Avisala! Ipinakilala na si Bianca Umali bilang isa sa mga bagong Sang'gre.

Sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras, ibinahagi ni Bianca ang taos-pusong pasasalamat para sa lahat ng sumusuporta sa kanya.

"Maraming salamat, no other words. Paulit-ulit ko sinasabi na I'm very thankful, of course, to my supporters," sabi ng aktres.

Hindi naman naiwasang maiyak ni Bianca habang nasa interview. Aniya, "Kasi ano 'to e parang hindi ko hiniling pero ito ipinagkaloob sa akin. That's why, I'm very very thankful. Thankful to my network kasi sa tiwala. I assure na they will not be dissappointed. I will not fail anyone."

Ayon kay Bianca, ngayon pa lang ay puspusan na ang ginagawa niyang preparasyon para sa Sang'gre.

"The way I'm preparing for this, it's as if I'm preparing for a Marvel movie. Ganoon ko po siya pinaghahandaan. I am preparing my skills for it and I have been studying everything about Encantadia."

Hindi itinanggi ni Bianca ang pressure na nararamdaman para sa serye. Sabi ng aktres, "Honestly, grabe! I mean, this I think is the biggest pressure that is put upon me in the history of all my projects."

Makikilala si Bianca bilang Terra sa continuation ng iconic telefantasya ng GMA na Encantadia. Si Terra ang nawawalang anak ni Sang'gre Danaya na lumaki at namuhay sa mundo ng mga tao.

"Ako po rito ang anak ni Sang'gre Danaya. Kaya po kami parehas ng weapon. I did suggest na, 'Baka po pwedeng gawin natin na nagiging Arnis pa rin siya... Isang malaking stick na kapag kailangan ko ng mas grabeng battle nagiging dalawa sya."

Samantala, agad na nag-trending sa X (dating Twitter) ang hashtag na "Sanggre," "Bianca Umali"at "Encantadia."


Abangan ang iba pang gaganap na mga bagong Sang'gre ng new generation soon sa GMA.

LOOK: Ang Pinaka's List of Empowered Women in Kapuso Teleseryes