Showbiz News

Work or love: Ano ang mas matimbang sa puso ni Tom Rodriguez?

By: ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

 
Marami ang may gustong magkatuluyan sina Tom Rodriguez at ang kanyang on-screen partner na si Carla Abellana. Ngunit para kay Tom priority niya muna ang kanyang trabaho bago ang kanyang buhay pag-ibig.
 
Kuwento ni Tom, "Ngayon ang hirap e, sa totoo lang. Kasi nag-aadjust pa ko sa lahat ng ito. Ina-admit ko na never kong na-experience, never kong naisip na puwede akong maging leading man."
 
Sunud-sunod ang naging proyekto ni Tom nang siya ay naging parte ng programang 'My Husband's Lover' noong 2013. Dito sila unang nagkatambal ni Carla. 
 
Hindi inakala ni Tom na magiging isa siya sa mga pinaka-aabangang Kapuso leading men. Aniya simula ng maging Kapuso siya tuluy-tuloy na ang mga blessings sa kanya. "I was satisfied with what I have. I've never imagined this kind of life, this fast-paced schedule."
 
Ganunpaman, hindi nagrereklamo si Tom sa kanyang busy schedule dahil ibig sabihin nito ay maganda ang takbo ng kanyang showbiz career. "Nag-eenjoy ako, kasi blessing siya. Hindi pa ako sanay masyado. Siguro kailangan kong ibigay pa 'yung 100 percent na attention ko muna dito. At least magamay ko ito," pahayag ng aktor.
 
Para sa updates mula kay Tom Rodriguez at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com