Showbiz News

Shaira Diaz, may stalker daw na undin? Alamin sa finale ng 'AHA October Shockers!'

Personal na kuwento ng kababalaghan at kaalaman ang matutunghayan sa huling special offering ng AHA October Shockers.

Sa finale na pinamagatang "Kapuso Horror Files," ibabahagi ni AHA host Drew Arellano ang ilang nakakakilabot niyang karanasan sa iba't iba niyang mga biyahe. Kabilang na riyan ang Island of Dolls sa Mexico, haunted Jerome Hotel sa Arizona at ang pinangingilagang Lalaurie Mansion sa New Orleans.



Isang kakaibang stalker naman ang bumubuntot kay Kapuso actress at Sparkle star Shaira Diaz. Kayanin kaya niyang maka-face to face ang masugid niyang tagahanga na isa raw undin?



Mula sa basketball court, dadalin ng NCAA junior panelists na sina Baileys Acot at Chantal Laude ang labanan sa isang horror house. Pero bago nila harapin ang kanilang takot, ikukuwento muna ni Baileys ang madalas niyang mga bangungot habang gugunitain naman ni Chantal ang nasaksihan niyang aktuwal na pagsanib.



Huwag palampasin ang mga personal nilang kuwento ng kababalaghan at kaalaman sa heart-stopping finale ng AHA October Shockers, October 29, 8:15 a.m. sa GMA.

Patuloy ring panoorin ang informative at fun episodes ng Anak TV Seal awardee and 2022 Prix Jeunesse Internantional Festival finalist program na AHA, Sunday mornings sa GMA.