Showbiz News

‘Dading’ is not ‘My Husband's Lover,’ says Gabby Eigenmann

By AL KENDRICK NOGUERA
 
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Pagkatapos ng My Husband’s Lover, isa na namang gay-themed soap ang inihahandog GMA, this time sa Afternoon Prime.

Ito ang Dading, isang kuwento tungkol sa gay father figure na ginagampanan ni Kapuso actor Gabby Eigenmann.  

Sa ginanap na pictorial ng upcoming show, nilinaw ni Gabby na may kaibahan ang My Husband’s Lover at Dading.

“May touch of pambata [ang Dading]. 'Yung My Husband's Lover kasi madi-differentiate mo 'yung longing ng pagmamahal ng isang bading sa isang lalaki na may asawa. Ito kasi, kalimutan na ang lahat ng lalaki sa buhay, ang importante sa kanya ay 'yung bata,” aniya.

Dagdag pa ni Gabby, “Hindi siya naka-focus sa anggulo ng pagmamahal as a couple. It is mostly for the child. Malaki ang differences.”

Napanood daw ni Gabby ang portrayal nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez bilang gay couple at inamin niya na “nakaka-pressure” ang standard ng My Husband’s Lover.

“Ang galing, so nakaka-pressure. Ang ginawa kasi nila ay mapapansin talaga ang acting nila gamit ang kanilang puso,” sagot niya.