Showbiz News

Luis Alandy naniniwala sa 'law of attraction'

By AEDRIANNE ACAR 

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

 
Overwhelmed si Innamorata star Luis Alandy nang malaman na sa pagtatapos ng kanilang soap ay humahataw ito sa ratings. 
 
Ayon sa Kapuso actor hindi raw nila alam ang TV ratings ng Innamorata para makapag-focus sila sa kanilang trabaho,“Hindi ko nalalaman yung ratings, hindi na kami tine-text din siguro para 'wag din kami makaramdam ng pressure. [So we can] just concentrate on the roles, the story, and the characters na binibigay sa amin.
 
“Siyempre we strive na pagandahin yung show na sana magustuhan ng tao,” dagdag nito.
 
Sa umpisa, malaking question mark daw para kay Luis kung tatangkilikin ba ng mga manonood ang Innamorata dahil hindi siya sigurado sa chemistry ng cast na halos lahat first time na makakatrabaho ang isa’t-isa. 
 
“Kasi most of us are first time magkakatrabaho sa soap. Lalo na kami ni Max, first time naming magkatrabaho sa soap and sila Jackie also. Si Gwen naman naka-work ko na sa Binoy and Dion nagka-work kami sandali before sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita?” 
 
Kuwento ng Kapuso actor maganda raw na lahat ng cast ay nagtutulungan para mas mapaganda ang bawat eksena ng show. 

“Pero I think entirely the maturity nung kaming mga artist dito nag-jive. So ayun talagang tulungan kami, tsaka we make it a point na before every scene pag-usapan namin minsan kung ano gagawin, paano pagagandahin," aniya. 
 
Sa tanong kay Luis kung ano ang natutunan niya playing his character Edwin, sagot nito “Yung positiveness. I think yun yung puwede kong ibigay or parang puwedeng moral nung character ko with everything na dumating sa buhay ni Edwin at the very end positive pa rin siya sa outlook niya." 
 
“Kumbaga parang gusto ko ipa-abot sa viewers ng Innamorata na, to attract positiveness you have to be positive also," pagtatapos niya.
 
Subaybayan ang natitirang dalawang linggo ng Innamorata sa GMA Afternoon Prime.