Showbiz News

Yasmien Kurdi, muntik tumigil sa pag-aartista noon

By Aaron Brennt Eusebio

Simula 2003 nang sumali siya sa unang season ng StarStruck, tuloy-tuloy nang napapanood sa telebisyon ang aktres na si Yasmien Kurdi.

Pero alam n'yo ba na muntik na niyang iwan ang showbiz upang magtrabaho sa ibang bansa bilang flight attendant?

Sa isang post sa Instagram, umamin si Yasmien na balak niyang sundan ang ngayo'y asawa na niyang si Rey Soldevilla noon sa Dubai. Dating nagtrabaho si Rey bilang cabin crew sa Dubai bago tuluyang naging piloto.

"Alam [n'yo] ba na muntik ko ng iwan ang career ko sa Pilipinas bilang artista para sundan si Pangga @rey_soldevilla sa #Dubai at mag-apply bilang #FlightAttendant sa #Emirates," sulat ni Yasmien sa caption.

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi)

Kasalukuyang napapanood si Yasmien bilang Millie sa GMA Afternoon Prime series na The Missing Husband.