Showbiz News

Cast ng 'Abot-Kamay na Pangarap,' makakasama ang global Pinoys sa Japan ngayong December!

By Kristian Eric Javier

Maagang pamasko ang handog ng afternoon prime series na Abot Kamay na Pangarap sa mga global Pinoys dahil makakasama nila ang ilang cast ng serye ngayong December.

Magkikita-kita ang mga Kapuso sa Japan at ang cast ng serye na sina Carmina Villarroel-Legaspi, Richard Yap, Jillian Ward at Ken Chan sa Christmas event na 'Ang Saya-Saya ng Pasko sa Nagoya.'

Gaganapin ang event sa December 16 and 17 sa Angel Park, at para maraming global Pinoys ang maaaring makisaya, admission is free!

BALIKAN ANG GMA PINOY TV TOGETHER AGAIN CONCERT SA GALLERY NA ITO:


Inorganisa ng One Network Co. Ltd. at ng Filipino Community in Central Japan ang nasabing event, in cooperation with Overseas Workers Welfare Administration, Department of Migrant Workers, and the Philippine Consulate General in Nagoya.

Samantala, media sponsors naman ng event ang GMA Pinoy TV, GMA Life TV, and GMA News TV.