Showbiz News

Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie nina Michael V. at Ogie Alcasid, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz

Narito na naman para magbigay ng saya ang tambalan ng singer-comedians na sina Michael V. at Ogie Alcasid.

Tampok kasi ngayong linggo ang kanilang pelikulang Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie sa digital channel na I Heart Movies.

Base ang pelikula sa patok na Bubble Gang skit na "Ang Spoiled."

Gaganap si Bitoy bilang Yaya Rosalinda na masisisante dahil sa panibagong kalokohan ni Angelina na karakter naman ni Ogie.

Dahil walang nagbabantay kay Angelina, maki-kidnap siya! Gagawin naman ni Yaya Rosalinda ang lahat para mabawi ang pilyang alaga.

Huwag palampasin ang Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie, November 11, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Para naman sa mahilig sa family drama, nariyan ang Above the Clouds.

Tampok sa pelikula si Kapuso actor Ruru Madrid kasama ang Pinoy rock icon na si Pepe Smith.

Si Ruru ay si Andy, isang lalaki na naulila noong bagyong Ondoy. Dahil wala nang mga magulang, titira siya sa poder ng kanyang lolo na ginagampanan naman ni Pepe.

Hindi close ang dalawa kaya susubukan nilang mag-bonding para makalimutan ang pait ng pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagha-hike sa bundok.

Abangan ang Above the Clouds, November 8, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.