
Paano kung ang paborito mong video game character ay napunta sa tunay na buhay?
Humanda na sa masayang adventure tuwing umaga dahil mapapanood na ang fantasy series na Buck ngayong Lunes (November 13) sa GMA.
Ang naturang serye ay pagbibidahan nina Bram Spooren (Elias), Ina De Winne (Hanne), Ini Massez (Katrien), Tine Roggeman (Laura), Annabet Ampofo (Mona), at Robbert Vervloet (Buck).
Ang kuwento ng Buck ay magsisimula sa paglipat ng tahanan ng pamilya ng loner teenager na si Elias. Nagalit ang binata nang makita niyang itinapon ng kanyang kapatid na si Laura ang first-edition ng kanyang Buck Sci-Fi comic, ngunit nabighani ang una nang masilayan ang kanyang kapitbahay na si Mona.
Habang nakahinto ang nilalarong video game ni Elias, isang kidlat ang naging sanhi ng pagpunta ng video game hero na si Buck sa real world.
Paano kaya mamumuhay sa realidad si Buck?
Huwag palampasin ang exciting adventures nina Elias at Buck sa fantasy series na Buck simula November 13, 8:25 a.m., sa GMA.