
Hindi napigilang maging emosyunal ni Iza Calzado sa pagbisita sa GMA Network nang maging guest sa programang Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, November 14.
Matapos ang 12 taon, muling nakabalik sa GMA si Iza kung saan, aniya, hindi niya sukat akalaing mangyayari ito.
Sa pagbabalik sa GMA, may posibilidad din kayang magkaroon ng special appearance si Iza sa Encantadia Chronicles: Sang'gre?
Isa si Iza sa original Sang'gres ng unang Encantadia noong 2005, kung saan nakilala siya bilang Amihan.
"Sabi nga ni Diana Zubiri abangan," sagot ni Iza sa tanong na ito ng King of Talk na si Boy Abunda.
Pagpapatuloy niya, "'Di ba! Anything is possible. In today's world na nandito ako... I mean, bukas na 'di ba. Maraming posibilidad."
Nakasama rin ni Iza sa Fast Talk With Boy Abunda ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin na si Angel Guardian.
Dito, ibinahagi ni Iza ang naging reaksyon nang sabihin sa kanya ni Angel na siya ang gaganap sa role ni Deia sa Sang'gre, na pangalan ng anak na babae ni Iza na si Deia Amihan.
"We had a moment. Parang ipinagkatiwala ko sa kanya tapos, you know you recognized Tito Boy. Kaya rin siguro napaka-special ng Amihan sa akin... It was really Encantadia, Amihan, that put me on the map, 'yung talagang tinatakan... ang lakas ng show, e'.
"Sabi ko nga nawa'y 'yung swerte na ibinigay sa akin ni Amihan, ngayon naman na s'ya si Deia ay makuha n'ya rin ang same, if not, more ang swerte na 'yon."
BALIKAN ANG MGA KARAKTER SA ENCANTADIA RITO:
Dagdag pa ni Iza kung paanong hindi lang siya ang nalagyan ng mapa ng Encantadia kung hindi silang apat na original Sang'gres--sina Diana Zubiri, Sunshine Dizon, at Karylle.
"Lahat kami at sabay-sabay. Iyon ang naging maganda nun. And it was women empowerment before it was even a thing. We had no idea. We were so young.
"Ang galing pala. We just knew na, 'Grabe ang galing ng show natin noh!' Hindi love team ang bentahan, apat na babae. And, ang hirap nun because competition is real. And we had to really keep grounding ourselves in the magkakasama tayo rito," sabi ni Iza.
Sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, makakasama ni Angel sa bagong henerasyon ng mga Sang'gre sina Bianca Umali, Faith Da Silva, at Kelvin Miranda.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA STORY CONFERENCE NG SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: