GMA Logo  Iza Calzado at Angel Guardian sa Encantadia Chronicles Sanggre
Photo by: Redgynn Alba
What's Hot

Iza Calzado, hiling na makuha ni Angel Guardian ang swerteng ibinigay ng 'Encantadia' sa kanya

By Aimee Anoc
Published November 15, 2023 6:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam panel talks on 2026 budget to continue on Monday, Dec. 15
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

 Iza Calzado at Angel Guardian sa Encantadia Chronicles Sanggre


Iza Calzado kay Angel Guardian bilang Deia sa 'Sang'gre': "Sabi ko nga nawa'y 'yung swerte na ibinigay sa akin ni Amihan, ngayon naman na s'ya si Deia ay makuha n'ya rin ang same, if not, more ang swerte na 'yon."

Grateful si Iza Calzado sa pagkakataong "pinagtagpo" sila ni Angel Guardian dahil ganoon na lamang kahalaga para sa batikang aktres ang role na gagampanan ni Angel sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa pakikipagkuwentuhan sa King of Talk na si Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda, kapwa binalikan nina Iza at Angel ang pagkakataon na nagkausap sila sa last taping day ng horror film na Shake Rattle & Roll Extreme, kung saan kabilang din si Angel sa cast.

"Actually, coincidentally, we worked together sa 'Shake, Rattle, & Roll,' sabi ni Iza.

Pagpapatuloy niya, "Tapos nu'ng last day namin... kasi we didn't really have scenes together e.' Nu'ng last day namin pagka-pack up namin, nagba-bonding kami. Ang sabi n'ya, 'Actually po Ms. Iza natanggap po ako sa Sang'gre tapos 'yung role ko po pareho po ng pangalan ng anak n'yo.

"Tapos ako, 'Oh my god! She's the one playing Deia.' Syempre sa akin it matters e, importante 'di ba. So, parang that moment I was so grateful that na pinagtagpo kami ng Panginoon."

Ayon kay Angel, naaalala niya pa ang naging reaksyon ni Iza nang ipaalam niya rito na siya ang gaganap sa role ni Deia sa Sang'gre, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin.

Ang pangalang ng karakter ni Angel na si Deia ay mula sa pangalan ng anak ni Iza na si Deia Amihan.

"To be honest Tito Boy para talaga akong nasa cloud nine," sabi ni Angel.

Dagdag niya, "Iyon nga po 'yung sabi ko kay Ms. Iza. Sobrang perfect po ng timing, as in na that moment para ako talagang nasa cloud nine.

"Hindi ko lang mapaniwalaan na nabigyan ako ng chance na magkasama po kami that moment and natanong ko sa kanya personally and na-confirm ko na iyon nga po pangalan po talaga ng anak ni Ms. Iza.

"I promise po na gagawin ko 'yung best ko. Hindi ko sasayangin 'yun kasi po Tito Boy nakita ko kung gaano kaespesyal si Deia kay Ms. Iza. And from that moment Tito Boy, I swear, s'ya po talaga 'yung reason kung bakit naging mas motivated ako."

Pagbabahagi ni Angel, hindi lamang noon role ni Deia ang in-audition niya kung hindi maging ang role ni Flamarra.

"Actually, I auditioned for two roles po, Flamarra and Deia. But, like what I said to Ms. Iza, the moment po na nabasa ko 'yung character ni Deia iba po 'yung naramdaman ko.

"Parang hindi ko siya hiningi, pinag-pray ko siya. Pero hindi ko po hiningi na particularly makuha ko 'yung role ni Deia. Pero I prayed for it na, 'Lord sana ito na 'yon.'"

Habang sinasabi itong lahat ni Angel ay naiiyak na nakatingin lamang sa kanya si Iza.

"We had a moment. Parang ipinagkatiwala ko sa kanya tapos, you know you recognized Tito Boy. Kaya rin siguro napaka-special ng Amihan sa akin... It was really Encantadia, Amihan that put me on the map, 'yung talagang tinatakan... ang lakas ng show e'.

"Sabi ko nga nawa'y 'yung swerte na ibinigay sa akin ni Amihan, ngayon naman na s'ya si Deia ay makuha n'ya rin ang same, if not, more ang swerte na 'yon," ani Iza.

Makakasama ni Angel sa bagong henerasyon ng mga Sang'gre sina Bianca Umali, Faith Da Silva, at Kelvin Miranda.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA STORY CONFERENCE NG SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: