
Puno ng pasasalamat ang Kapuso Foundation sa mga mamimili na bumisita at nagsimula na ng kanilang Christmas shopping sa Noel Bazaar 2023.
Ang mga mamimili sa Noel Bazaar 2023 ay makakapagbigay ng tulong ngayong holiday season dahil ang portion ng proceeds nito ay mapupunta sa GMA Kapuso Foundation.
PHOTO SOURCE: GMA Integrated News
Sa 24 Oras ay ipinarating ng Kapuso Foundation Ambassador and Special Adviser, at news personality ng GMA Network na si Mel Tiangco ang kaniyang pasasalamat sa mga sumusuporta sa Noel Bazaar 2023.
"Maraming salamat po sa inyo dahil malaking tulong 'yan sa mga projects ng GMA Kapuso Foundation. Magpapatuloy po 'yan hanggang November 18 at 19."
Ang matagumpay na simula ng Celebrity Ukay-Ukay ay ipinagpasalamat naman ng EVP at COO ng Kapuso Foundation na si Rikki Escudero-Catibog.
"GMA Kapuso Foundation wants to thank all the artists na nag-donate and who helped make the Celebrity Ukay-Ukay of GMA KF (Kapuso Foundation) truly successful dito sa Noel Bazaar."
Samantala, si Julie Anne San Jose na ambassador din ng Noel Bazaar at ang nakibahagi sa unang araw nito sa Okada Manila ay inimbitahan ang mga mag-Christmas shopping sa Noel Bazaar 2023.
"Bisitahin niyo po ang Noel Bazaar. Siyempre ang Christmas is not just about receiving but also sharing and giving 'yung mga blessings na natatanggap natin."
Sa mga nais mamili ng preloved items ng inyong mga paboritong Kapuso stars, magpapatuloy ang Celebrity Ukay-Ukay sa November 18 and 19 sa Okada Manila.
Nagbukas ang Noel Bazaar sa Okada Manila nitong November 10 at magtatapos ito sa December 17. Gaganapin din ang Noel Bazaar 2023 sa World Trade Center Pasay sa November 24 to 30, at sa Filinvest Tent sa Alabang from December 8 to 10.