
Matapos ipalabas ang teaser ng upcoming fantasy-action series na Encantadia Chronicles: Sang'gre, nakipagkita naman ang direktor nitong si Mark Reyes sa OG o original Sang'gres na sina Diana Zubiri, Sunshine Dizon, at Karylle.
Sa Instagram, nag-post si Direk Mark ng picture nila nina Diana, Sunshine, at Karylle.
“From launching the teaser for the next-gen Sanggres this afternoon to a late night @sanggreinc board meeting with the OG Sanggres @dianazubirismith @m_sunshinedizon @anakarylle” caption nito sa post.
November 18 nang ipalabas ang kauna-unahang teaser ng Sang'gre sa Manila Pop Culture Convention o ManiPopCon, at sa noontime variety show na All-Out Sundays ngayon araw, November 19.
BALIKAN ANG NAGANAP SA STORYCON NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' DITO:
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkasama-sama muli ang OG na tagabantay ng mga brilyante ng Encantadia dahil nag-reunite sila kamakailan lang sa It's Showtime kung saan nagbahagi sila ng isang heartwarming performance sa “Magpasikat” performance ni Karylle.
Hindi lang 'yung, kamakailan ay ipinahatid nina Karylle, Iza at Diana ang kani-kanilang mga mensahe sa bagong henerayon ng mga Sang'gre.
At dito sa mensaheng ito nagpahaging ang OG Sang'gre Amihan na si Iza na baka lumabas siya muli sa serye.
“Avisala, ito si Amihan. Gusto ko lang mag-send ng aking best wishes and a lot of good energy para sa bagong cast ng Encantadia Sang'gre and I am hope[ing] to see and meet all of you soon, maybe on set,” sabi nito sa video.