Showbiz News

Why you'll love Gabby as a bading daddy

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

 
Bakit si Kapuso actor Gabby Eigenmann ang gaganap na tatay na bading sa upcoming GMA show na Dading? Isa lang ang sagot diyan, mahilig kasi siya sa mga bata.
 
Hindi naging maingay sa showbiz ang pagiging ama ni Gabby sa totoong buhay. Paglilinaw ng aktor, hindi naman niya ito itinago at marami naman ang nakakaalam.
 
“Hindi ko kasi masyadong pinag-uusapan. It's the only thing that's left for me na medyo private. Pero everyone knows naman,” pahayag ni Gabby.
 
Kuwento ni Gabby, mayroon na siyang apat na anak at malalaki na ang mga ito. Aniya, “Ang bunso ko is 10 years old tapos [ang] pinakamatanda ko is 18.” Nakiusap si Gabby na hindi na ipakilala ang mga anak para sa seguridad ng mga ito.
 
Sa itsura ni Gabby, kagulat-gulat na marami na pala siyang anak. Hindi niya rin kasi dinadala ang mga ito sa kanyang showbiz engagements tulad ng ibang mga artista. “It doesn't look my age [but] I have four kids,” saad niya.
 
Ngayong bibida si Gabby sa Dading, maipapakita niya na sa publiko kung paano siya maging isang ama sa bagong GMA child star na si Zarah Mae Deligero.
 
Ikinuwento sa amin ni Gabby na natuwa na agad siya kay Zarah sa una nilang pagkikita. “Actually sa story conference, medyo nagkakahiyaan pa kami. Pero I love kids kasi. Madali akong ma-attach sa mga bata,” bahagi niya.
 
Dagdag pa ni Gabby, “So far, she's [Zarah] been very professional in a way na kapag sinabihan mong ganito [ang] gagawin, gagawin naman niya. Kaya I can't wait kasi hindi pa kami nagkakatrabaho sa set dahil magpa-pilot week pa lang kami. So far ngayon pa lang, I feel like we're bonded.”
 
Abangan ang pagganap ni Gabby Eigenmann bilang daddy na bading sa Dading, soon on GMA Afternoon Prime.