GMA Logo Xian Lim as film director
What's Hot

Xian Lim teases new film directorial assignment

By Jansen Ramos
Published November 20, 2023 6:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Beauty Gonzalez, Kris Bernal all praises for each other in first collaboration in 'House of Lies'
Beauty Gonzalez, Kris Bernal face off in family drama ‘House of Lies’

Article Inside Page


Showbiz News

Xian Lim as film director


Break muna sa harap ng camera ang 'Love. Die. Repeat.' star na si Xian Lim para mag-direk ng bagong pelikula na pinamagatang 'Smile.'

Ibinahagi ni Xian Lim ang bago niyang pinagkakaabalahang proyekto matapos ang gawin ang upcoming GMA series niyang Love. Die. Repeat. na ipapalabas sa susunod na taon.

Sa Instagram post niya noong Huwebes, November 17, nagbigay ng patikim ang aktor tungkol sa kanyang bagong assignment--ang pagdidirek muli ng pelikula.

Smile ang pamagat ng pelikulang ididirehe ni Xian sa ilalim ng XL8 Films. Magsisilbi namang director of photography nito si Neil Bion.

Sa parehong post, ibinahagi ni Xian ang ilang kuha mula sa set ng pelikula sa isang studio.

A post shared by Alexander Xian Lim Uy (@xianlimm)

Hindi ito ang unang beses na magdidirek si Xian ng pelikula.

Nagsilbi siyang director ng indie film na Tabon na naging official entry sa 2019 Cinemalaya. Noong January 2023, ini-release ang ikalawa niyang pelikula na Hello, Universe!

Nagkaroon din ng maliliit na directorial assignments si Xian, kabilang ang TV mini series na Pasabuy (2021), "Killer Menudo" episode ng weekly public service drama anthology na Wish Ko Lang na ipinalabas noong September 24, 2022, at music video ng single ng False Positive leading lady niyang si Glaiza De Castro na "Tawid Dagat."

BUKOD KAY XIAN, NARITO ANG ILAN PANG CELEBRITIES NA NAGING DIREKTOR: