Showbiz News

'Mas challenging magpatawa kaysa magpaiyak!' - Carla Abellana

By AEDRIANNE ACAR 
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Challenging daw para kay Carla Abellana ang bago niyang project dito sa Kapuso Network, ang Ismol Family. 
 
Pag-amin ng My Husband’s Lover star, amateur pa rin daw siyang maituturing kung comedy ang pag-uusapan. 
 
“Magpatawa kasi siyempre kahit papaano mas sanay ako magpaiyak ilang years na focus sa drama, technically bago pa lang ako sa comedy with the movie I just did ?[So It's You], so eto ngayon sitcom parang ano pa ko amateur parang ganyan.” 
 
“So natuto pa lang ako, ibang atake siya and ako I believe based from experience mas challenging magpatawa kaysa magpaiyak,” saad ni Carla. 
 
Carla plays Majay Ismol ang maybahay ni Jingo Ismol (Ryan Agoncillo) na aalis papuntang Dubai para magtrabaho bilang welder. Iiwan niya dito si Jingo at ang kanyang cute son na si PJ Ismol (Marc Justine Alvarez). Sa pag-alis ni Majay, paano kaya iha-handle ni Ryan ang bago niyang role na "daddy and mommy'' at the same time. 
 
Ayon kay Carla, malaking bagay na GMA-7 trusted her with a comedy project dahil masusubukan daw nito umalis sa comfort zone niya na drama at maipapakita niya ang versatility niya as an actress. 
 
“Which is also good kasi nabibigyan ako ng opportunity na magpakita naman ng ibang side. Hindi na lang parang lagi na lang api-apihan, lagi na lang kawawa, lagi na lang umiiyak sa screen.”
 
“At least maganda na nakikita naman nila ako na laging nakangiti, kuwela yung ganun, nagpapatawa. Thankful ako na kahit papaano nabibigyan ako ng opportunity na mapakita yung iba,” dagdag ng Ismol Family star.