Showbiz News

Ilang content creators, kinilala sa TikTok's #ForYouPelikula

By EJ Chua

Wagi ang ilang content creators sa TikTok's #ForYouPelikula film festival.

Nito lamang November 28, 2023, ginanap sa isang movie theater sa Taguig ang awarding ceremony para sa naturang film contest.

Kaisa ng TikTok ang media company na Viva sa pagdaraos ng big event.

Iba't ibang istorya at konsepto ang ibinahagi ng ilang TikTok content creators sa pamamagitan ng 1-3 minute nilang mga pelikula.

Mula sa isang libong entries na natanggap ng TikTok, lima lamang ang itinanghal na finalists para rito.

Sa mismong awards night, pinapanood sa mga bisita at ilang executives ng TikTok at Viva ang entries ng Top 5.

Bago matapos ang event, pinarangalan na ang mga nagwagi sa film festival.

Nakuha ng content creator na si Novy Recate ang Best Short Film Award para sa kanyang TikTok short film na pinamagatang 'JackPat.'

Ang Best Entry Award naman ay nakamit ng content creator na si Rico Roman Kamatoy para sa kanyang pelikula na 'Nomi.'

Samantala, nito lamang nakaraang Setyembre, idinaos naman ang TikTok Awards 2023.

Kilalanin ang winners sa TikTok Awards ngayong taon sa gallery sa ibaba: