Showbiz News

AHAmazing Pasko: Simula na ng mas masayang salo-salo

By Kristian Eric Javier

Maaga ang pagdating ng Pasko ngayong Linggo sa AHA! dahil sa mga amazing Christmas stories. Bukod sa matitikman na kakaibang panghanda sa Pasko, alamin din kung saan makakahanap ng magaganda at murang regalo!

At dahil malapit na nga ang mga pagdiriwang, dumarami na rin ang mga manloloko kaya ibayong pag-iingat lang, mga Kapuso.

Lechon ang isa sa pinaka masarap na ihanda sa kahit anong okasyon at ito rin madalas ang unang kinukuha sa mga handaan. Ngunit kukuha ka pa rin ba kung kulay itim ang makikitang lechon sa mesa?

Kung naghahanap ka naman ng mga pangregalong bagsak-presyo, matutulungan ka ng TikTok influencer na si Karl na makakita ng mga pangregalo na piso lang ang halaga! Saan kaya?

Paano na kaya ang Pasko kung pagod na si Santa mamigay ng regalo? 'Wag mag-alala, to the rescue ang kaniyang secretary, ang OST Princess na si Hannah Precillas para maghatid ng saya at ligaya.

Dahil nalalapit na ang Pasko, dumarami na rin ang gastos sa handa at pangregalo kaya naman ang iba, kumakapit sa mga online money lending. Ngunit baka imbis na ginhawa ay lalong magipit sa mga online pautang na budol lang pala.Kaya mag-ingat mga Kapuso!