Showbiz News

Rita Daniela shares showbiz comeback plans

By Bianca Geli

Handang handa na ang All-Out Sundays diva na si Rita Daniela para sa first-ever concert ng girl group na Queendom ngayong December 2.

Ano kaya ang maasahan sa performances ni Rita? "I think na-e-express ko naman with Queendom. Hindi talaga ako nag-si-stick sa original, as much as possible I really make it as my own. Lalo na if it's a cover, I really try to make the song like my own.

'Yun 'yung talagang tatak Rita ang I'm just so excited kasi mag-le-level up pa ako. 'Yung mga napanood nila sa mga previous productions mas itotodo ko pa. 'Yung kakantahin ko, I've never sang this before. Mahirap siya, pero kaya tayo nandito kasi kaming Queendom palaban kami laging binibigay namin 101%."



Aminado rin si Rita na hindi naging madali ang kanyang pagbabalik entablado matapos niyang manganak sa firstborn niyang si Uno noong December 2022.

"It's challenging for me, may konting pagbabago, pero dahil palaban ako, hindi ko hahayaan 'yung pagbabagong 'yun kailangan nandoon pa rin tayo."

Excited na rin si Rita na magbalik sa pag-acting matapos ang isang taong pag-focus sa pagiging ina.

Kailan kaya ang showbiz comeback ni Rita?

"Next year, talagang priority ko muna 'yung health ni Uno gusto ko talaga for the first whole year, breastfed siya."

Napanood si Rita sa ilang natatanging GMA dramas tulad ng My Special Tatay, One of the Baes, at Ang Dalawang Ikaw.