advertisement
Showbiz News

TIMELINE: The beginnings and falling out of Aiai Delas Alas and Ex Battalion

1 of 24

Ex-Battalion

Matagal nang nasa eksena ang rap group na Ex Battalion, pero namayagpag ang kanilang kasikatan noong 2017 dahil sa kanilang viral song na “Hayaan Mo Sila.”

2 of 24

Collaboration

November 2017 nang mabalita ang collaboration sa pagitan ni Aiai delas Alas at ng Ex Battalion. Sa kantang “Walang Pinipili,” nakipagsabayan ang Philippine Queen of Comedy sa viral rap group.

3 of 24

Spotlight Music Sessions

Nakasama rin ni Aiai ang grupo sa kanilang performance sa 'Spotlight Music Sessions.'

advertisement
4 of 24

Promotions

Naging madalas ang pagtatrabaho ni Aiai kasama ang Ex Battalion para sa promotion ng kanilang single.

5 of 24

Shows

Isinama rin ni Aiai ang Ex Battalion sa iba't iba niyang shows sa labas ng telebisyon.

6 of 24

Aiai as manager

Pormal na naging manager si Aiai ng Ex-Battalion noong March 2018.

advertisement
7 of 24

Ambassadors

Unang na-accomplish ni Aiai bilang manager ng grupo ang gawing ambassadors ang mga miyembro ng Ex Battalion ng isang clothing line.

8 of 24

Other endorsements

Nadagdagan pa ng ibang produktong ini-endorso ang Ex Battalion sa ilalim ng management ni Aiai.

9 of 24

Charity work

Naisama rin ni Aiai sa kanyang charity work ang kanyang mga dating alaga.

advertisement
10 of 24

Magpakailanman

Na-feature din ang kuwento ng buhay ng Ex Battalion members sa 'Magpakailanman' noong April 2018. Matapos nito ay nasundan pa ang kanilang TV guest appearances.

11 of 24

ExB Rules!

Nagkaroon din sila ng sariling digital show, ang 'ExB Rules!' Sa isang episode nito, may binitiwang mga rebelasyon ang bawat miyembro tungkol sa kanilang kagrupo.

12 of 24

Passport

Hanggang Department of Foreign Affairs, sinamahan ni Aiai ang grupo para makakuha ng kanilang passport.

advertisement
13 of 24

Pictorial

Sumalang din ang Ex Battalion sa pictorial noong May 2018 para ma-update ang kanilang portfolio at ibang promotional materials.

14 of 24

Viva Films

June 2018 nang makuhang partner ni Aiai ang Viva Films para sa pelikula niya at ng kanyang mga dating alaga.

15 of 24

Pahinga

Matapos pirmahan ang partnership with Viva, inihayag ni Aiai na kailangan muna niyang magpahinga sa pagma-manage sa Ex Battalion. Napakiusapan ang actress-manager at binura niya ang kanyang post.

advertisement
16 of 24

Concert

Naging successful ang unang solo concert ng Ex Battalion na ginanap noong July 2018.

17 of 24

Awards

Umani rin ng awards ang Ex-Battalion sa ilalaim ng pangangalaga ni Aiai.

18 of 24

Story Conference

August 2018 nang magsimula ang story conference ng pelikulang pagbibidahan ni Aiai kasama ang Ex Battalion, ang 'Sons of Nanay Sabel.'

advertisement
19 of 24

Rap Artist of the Year

Noong September 2018, matamis pa ang mensahe ni Aiai sa viral rap group. Ipinagmalaki kasi niya ang Ex Battalion nang kilalanin ang grupo na Rap Artist of the Year.

20 of 24

Taping

Naganap ang unang taping ni Aiai kasama ang Ex Battalion para sa kanilang pelikulang 'Sons of Nanay Sabel' noong September 2018.

21 of 24

US concert tour

Bongga ang naging pagtatapos ng 2018 para sa Ex Battalion dahil nakapag-perform sila sa iba't ibang parte ng Amerika.

advertisement
22 of 24

Anak-anakan

Itinuring ni Aiai na mga anak-anakan ang mga miyembro ng Ex Battalion. Mommy Ai naman ang tawag ng viral rap group sa Philippine Queen of Comedy.

23 of 24

Unprofessionalism

Unti-unting naubos ang pasenysa ni Aiai nang hindi tumupad sa mga napagkasunduan ang mga miyembro ng Ex Battalion. May mga nahuling dumating sa usapan, may mga hindi sumipot sa kanilang shows, habang meron namang ibang tumanggap ng booking na lingid sa kaalam ni Aiai. Kaya naman noong April 2019, lumutang na ang usap-usapang nais nitong bitawan ang grupo.

24 of 24

Red carpet premiere

Ang unprofessionalism ng Ex Battalion sa red carpet premiere night ng 'Sons of Nanay Sabel' noong April 2019 ang masasabing naging huling mitsa para tuluyan nang bitawan ni Aiai ang grupo. Opisyal na nag-resign si Philippine Queen of Comedy bilang manager ng Ex Battalion noong May 15, 2019.

advertisement