Showbiz News

Beloved Pinoy box office hits, tampok ngayong darating na linggo sa Kapuso Movie Festival

By Marah Ruiz

Magkakasama tayong mag-chill at makaramdam ng thrill sa mga pelikulang hatid ng Kapuso Movie Festival sa GMA ngayong linggo.

Sa December 4, balikan ang tamis ng isang beloved Pinoy love team sa Can This Be Love na pinagbidahan nina Sandara Park at Hero Angeles.

Gaganap sila rito bilang mga estudyanteng magkakakilala bilang textmates at susubukang magkita. Magkakasundo kaya sila sa tunay na buhay tulad ng sweet messages na pinapadala nila sa isa't isa?

Isang action film naman ang mapapanood sa December 5, ang El Brujo, starring Gerald Anderson at Jake Cuenca.

Kuwento ito ng isang lalaking ipaghihiganti ang kanyang ama laban sa drug lord na pumatay rito.

Para naman sa mahilig sa comedy, nariyan ang Milyonaryong Mini, December 6. Tampok dito sina Anjo Yllana, Sheryl Cruz, John Estrada at Manilyn Reynes.

Magpapalit ng buhay ang isang binatang laki sa yaman at isang lalaking laki sa hirap para ma-impress ang mga babaeng gusto nilang ligawan. Paano kung magkabukuhan na?

Huwag naman palampasin sa December 7 ang Esperanza: The Movie nina Judy Ann Santos, Piolo Pascual at Charo Santos-Concio.

Movie adaptation ito ng iconic na teleserye na lubos na minahal ng mga Pilipino.

Kilig naman ang hatid nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga sa December 8 sa My Amnesia Girl.

Babalikan ng isang lalaking nang-iwan sa altar ang kanyang ex-girlfriend para makabawi rito. Sakto naman at may amnesia ito kaya magkakaroon siya ng pagkakataong itama ang kanyang mga pagkakamali. May pag-asa bang ma-rekindle ang kanilang romance?

Abangan ang mga beloved Pinoy box office hits na 'yan sa Kapuso Movie Festival, Monday to Friday, 9:30 a.m. sa GMA.