Showbiz News

Lani Misalucha, gustong ipagdiwang ang Pasko sa Pilipinas

By Kristian Eric Javier

Kahit naka-base na sa Las Vegas, United States ang Asia's Nightingale na si Lani Misalucha, aminado itong mas pipiliin niyang magpasko rito sa Pilipinas ngayong 2023.

Sa interview ni Lani sa GMA morning show na Unang Hirit, ibinahagi niyang dito muna sila sa Pilipinas magpapasko ng kaniyang asawa na si Noli Misalucha at ng kanilang dalawang anak na sina Lian at Louven.

“Ngayong Pasko na ' to, itong 2023, ay dito muna kami para naman makapiling ko 'yung nanay namin,” sabi ni Lani.

Dagdag pa ng singer ay walang tatalo sa Pasko sa Pilipinas kaya gusto niyang ipagdiwang ito sa bansa.

“Marami kang mga kamag-anak at saka kahit hindi mo kamag-anak, nagiging kamag-anak mo,” biro pa niya.

“Pero 'yun talaga 'yung the best, dito mo mafi-feel 'yung essence ng Christmas, together with your family. At saka 'yung pagkain e, iba,” pagbabahagi niya.

SAMANTALA, BALIKAN ANG OOTDS NI LANI OVER THE YEARS SA GALLERY NA ITO:


Pasko rin ng 2020 nang maranasan ni Lani ang isa sa pinakamalaking pagsubok niya, lalo na sa kaniyang singing career: ang mawalan ng pandinig.

Bago pa man umere ang The Clash Christmas Special noong 2020 ay nawalan na ng pandinig sa isang tenga sina Lani at ang kaniyang asawa na si Noli dahil sa bacterial meningitis.

“Meron lang talaga kaming patuloy na nararamdaman which is 'yung dizziness, and pagkahina ng pandinig,” pagbabahagi ni Lani.

Inilarawan ni Lani ang pandinig niya noon na kung hindi muffled ay sobrang high-pitched, isang bagay na nakaapekto sa kaniyang pagkanta.

“And I do not know why parang sensitive 'yong hearing namin in a way na sensitive sa mga high pitch, like 'yong mga kalansing ng kutsara parang ahhh sakit,” kuwento ni Lani sa interview niya sa Updated with Nelson Canlas podcast.

Sa interview niya sa podcast, nilinaw naman ni Lani na bumalik na sila sa dati at nawala na ang nararamdaman nilang mag-asawa. Ipinahayag din niya kung gaano siya ka-grateful na gumaling na sila ni Noli mula sa kondisyon nila.

“And really, sa totoo lang we are grateful. We are just really grateful that we could still stand up,” sabi niya.

Panoorin ang buong interview ni Lani dito: