Showbiz News

'Isa Pang Bahaghari' starring Nora Aunor at Sanya Lopez, tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

By Marah Ruiz

Ihanda na ang mga panyo dahil matutunghayan ngayong linggo ang family drama film na Isa Pang Bahaghari sa digital channel na I Heart Movies.

Tampok dito ang Superstar na si Nora Aunor, kasama ang iba pang mga batikang artista tulad nina Phillip Salvador at Michael de Mesa.

Kuwento ito ng isang seaman na susubukang bumawi sa kanyang pamilya matapos niyang abandonahin ang mga ito ilang taon na ang nakalipas.

Bahagi rin ng pelikula sina Zanjoe Marudo, Joseph Marco, Sanya Lopez, Maris Racal, Albie Casiño at Migs Almendras.

Tunghayan ang Isa Pang Bahaghari, December 6, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Para naman sa mahilig sa psychological thrillers, nariyan ang The Road, starring Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Gaganap si Alden bilang isang misteryosong binata na tutulong sa magkapatid na nasiraan ng sasakyan sa isang liblib na kalye.

Para sa kanyang pagganap sa The Road, nakatanggap si Alden ng nominasyon para sa New Movie Actor of the Year sa 2012 PMPC Star Awards for Movies at isa pang nominasyon para sa Breakthrough Performance by an Actor sa 2012 Golden Screen Awards.

Abangan ang The Road, December 9, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.