Showbiz News

Gabby Eigenmann at Glaiza de Castro, nagyakapan daw sa first take ng 'Dading?'

By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

"Sa wakas!" ‘Yan ang pahayag ni Gabby Eigenmann nang sabihbin niyang makakatrabaho niya rin si Glaiza de Castro sa unang pagkakataon. Aniya, matagal niya nang hinihintay ang chance na makasama si Glaiza sa isang show kaya itinuturing niyang dream come true ang pagsasama nila sa Dading.
 
“For so long, lagi kaming hi-hello lang eh. We're acquainted pero we really never had a chance to work together. Pero itong Dading nga, natuwa ako kasi finally, actually same goes with her nga, uy finally magkakatrabaho na tayo,” kuwento ni Gabby.
 
Dagdag pa niya, nagtataka nga raw siya dati kung bakit never pa silang nagkatrabaho ni Glaiza. Halos lahat daw kasi ng kapatid niya ay nakasama na ng Kapuso actress. “Isa [si Glaiza] sa mga ine-expect ko na someday, I might work with her. Kasi nakatrabaho niya na [ang] mga kapatid ko na sina Sid [Lucero] at Geoff [Eigenmann]. So sabi ko, parang ako na lang ang hindi pa.”
 
Ayon naman kay Glaiza, nang malaman niya raw kung sino ang leading man niya sa Dading ay sobrang na-excite siya. Aniya, “Nakakatuwa kasi ang tagal ko na siyang napapanood. Kumbaga alam ko 'yung galing niya pagdating sa acting. So alam mo 'yon, kapag nakikita mo 'yung isang tao na sobrang passionate sa ginagawa niya and magkakaroon ka ng balita na makakatrabaho mo siya, sobra exciting!”
 
Dahil sa pagka-excite ng dalawa, mayroong nangyari sa kanila na hindi madalas nangyayari sa mga artista pagkatapos ng kanilang first take. Kuwento ni Gabby, “Sa first scene na kinunan namin sa taping, weird kami, nagyakapan kami! Uy first take natin together!”
 
“It's a mutual admiration between actors na pagkatapos ng take, magpapasalamat ka. 'Yung salamat kasi sinuportahan mo 'ko. So hindi siya masyadong nakikita sa ibang actors. Thankful ako dahil very sensitive siya [Gabby],” paliwanag ni Glaiza.
 
Abangan ang unang pagtatambal nina Gabby Eigenmann at Glaiza de Castro sa Dading, ngayong Lunes na sa GMA Afternoon Prime.